Gawain A Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan kaugnay sa binasa mong buod ng Kabanata 16-30 ng Noli Me Tangere.
1. May nakita ka bang paglabag sa karapatang pantao sa kuwento? Ano-ano ang mga ito?
2. May patas bang pagtingin ang batas noon sa mga mahihirap? Bakit?
3. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ay malalagay sa sitwasyon na mali ang ibinibintang?
4. Sumasang-ayon ka ba sa binabalak ni Ibarra na magpatayo ng isang paaralan sa bayan ng San Diego? Ano sa palagay mo ang magiging dulot nito kung natuloy ito?
5. Ano-ano ang mga paghahanda na ginagawa ng mga taga-San Diego sa kanilang pista? Mayroon ba itong pagkakahalintulad sa pagdiriwang ng pista sa kasalukuyan? Patunayan.
Share
0 Replies