GAWAIN D-TAMA AKO MALIBAN SA ISA. Panuto - Basahin at unawain ang bawat paglalarawan sa mga terminolohiya na may kaugnayan sa kabihasnang Minoan at Mycenean. Piliin ang HINDI kabilang. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Crete
A Mabato at maliit na pulo lamang. Wala itong matatabang lambak at kakaunti ang mga kapatagan.
B. Nagmula sa pamilya ng Indo-European. Ang mga Indo-European ay nagmula sa lupain ng kasalukuyang Iran at Afghanistan at nandayuhan sa Europe, India at iba pang bahagi ng Kanlurang Asya.
C. Istratehiko ang lokasyon nito sapagkat matatagpuan ito sa gitna ng ruta ng kalakalan sa pagitan ng Europe, Gitnang Silangan at Aprika.
2. Kabihasnang Minoan
A. Kauna-unahang kabihasang Kabihasnang Aegean na nagsimula sa Crete.
B. Umunlad ang kanilang kabihasnan dahil sa kahusayan sa kalakalang pandagat.
C. Ang kabihasnang Minoan ay hango sa kagalingan ng Kabihasnang Mycenean. 3. Sining ng Pagpipinta ng mga Minoan A. Sa mga fresco (larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding habang basa pa ang plaster upang kumapit nang husto sa pader ang mga pigment ng metal at mineral na oxide)
B. Maskarang Ginto
C. Mga Palayok
4. Ekonomiya ng mga Minoan
A. Pagsasaka
B. Kalakalang pandagat
C. Paggawa ng mga palayok mula sa luwad at mga sandata mula sa tanso.
5. Ambag ng mga Minoan
A. Arena
B. Sandatang yari sa Ginto
C. Fresco
6. Kabihasnang Mycenean
A. Nagmula sa pamilya ng Indo - European. Ang mga Indo-European ay nagmula sa lupain ng kasalukuyang Iran at Afghanistan at nandayuhan sa Europe, India at iba pang bahagi ng Kanlurang Asya. Noong 1900 B.C.E, nandayuhan sila sa Greece.
B. Unang kabihasnan sa Kanluran C. Nagtayo ng mga lungsod na napapalibutan ng malalaki at matitibay na pader. Ang pinakamalaking lungsod at ang kabisera ng kabihasnan ay ang Mycenae na matatagpuan malapit sa kapatagan ng Argos.
7. Troy
A. Maunlad na lungsod sa Crete
B. Matatagpuan sa Turkey malapit sa Hellespont
C. Nakuha ng mga Mycenean, ang digmaan ay tinawag na Trojan War.
Share
Answer:
1. b 2.c 3.a 4.a 5.c 6.c 7.b