Gawain: Panuto: Bumuo ng isang pangungusap na ginamitan ng angkop na pang abay o pang-uri ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gawing gabay sa pagsagot ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa: mga gawain sa bahay
Maingat na niluluto ni Nanay ang ulam.
1. karanasan sa covid-19 pandemya
_______________________________
2. ginagawa sa loob ng paaralan
_______________________________
3. nakikita sa loob ng mall.
_______________________________
4. dinaanan ng bagyo
________________________________
5. Pasko sa Pilipinas
________________________________
Share
Verified answer
Mga Tamang Sagot:
1. Mabilis na itinakbo sa ospital ang matanda nang makaranas ito ng pagsisikip ng dibdib dulot ng COVID
2. Dahan-dahang natututo ang mga bata sa loob ng paaralan.
3. Bukas makakasakay na ulit ako sa carousel sa mall.
4. Kahapon dinaanan ng bagyo ang Samar.
5. Lubos na nasisiyahan ang mga Pilipino sa Pasko sa Pilipinas.
Tungkol sa pang-abay - Bukod sa pandiwa at pang-uri, ang isa pang bahagi ng pananalita na kadalasan ay ginagamit sa mga pangungusap ay ang pang-abay. Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. ito ay naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Ilan sa mga halimbawa nito ay - Ngayon, Bukas, Samakalawa, Taon, Susunod na taon
Kahapon, Nung isang linggo, Susunod na linggo, Kinabukasan, Araw at Oras. salita na naglalarawan sa isang pandiwa, pang-uri, o sa kapwa nito pang -abay. Ang mga pang -abay ay kadalasang nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Ito rin ay ang pagsagot sa mga tanong tulad ng kung paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan. (1) Pang - abay na Pamanahon - Ito ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos. (2) Pang -abay na Panlunan - Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. (3) Pang - abay na Pamaraan - Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa nito ay ang ng at na. (4) Pang -abay na Pang-agam - Ito ay nagsasaad ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa nito ay ang salitang baka.
Tungkol sa Pang-Uri - Ang Pang-uri o adjective sa ingles ay salita o grupo ng salitang naglalarawan sa pangunahing paksa ng pangungusap. Bahagi nito ang 1. Lantay, o ang mga salitang pang-uri na simple lamang at walang paghahambing o hindi paghahambing na pinapakita. (2) Ang Pahambing ay mga salitang pang-uri na ginagamit sa paghahambing ng dalawang bagay o paksa. Maaaring ito ay magkatulad o magkaiba. Ang dalawa pang uri nito ay paghahambing na magkatulad at paghahambing na hindi magkatulad. (3) Ang Pasukdol ay ginagamit na sa paghahambing ng isang bagay bilang mas angat kaysa sa iba pa. Halimbawa nito ay saksakan ng, ubod ng, hari ng.
++++++++++++++++++++++++++++++++++
- Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong bisitahin ang:
brainly.ph/question/12350211
- Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong bisitahin ang:
brainly.ph/question/553061
- Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong bisitahin ang:
brainly.ph/question/8856876
#BRAINLYFAST