Gawain sa Pagkatuto 2. Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba
pagkatapos ay ihambing ang sanaysay sa iba pang akdang
pampanitikan.
Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng
mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin. Ang
mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang
impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa na maaaring isulat nang
pabalangkas-isang lohikal o kaya'y kronolohikal at pangkalahatang
paglalarawan ng paksang isusulat.
na
na
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay
nagpapahayag ng saloobin, kaisipan at damdamin sa isang masining na
pamamaraan. Ito ay kabuoan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring
magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at
mga karanasan.
Nakatutulong sa pagbibigay ng mensahe o impormasyon at pag-
unawa ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na tuwiran at di-
tuwirang pagpapahayag.
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag may
pinagbabatayan at may ebidensya kaya't kapani-paniwala.
Hal: Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa
mga lalaking Pilipino.
Samantala ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na
bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa
tagapakinig o tagabasa.
Hal: Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas
maraming tao ang magutom.
-Mula sa Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral
PIVOT
Share
Answer:
pasagotttt naman tulgg namannn tulongg naman