Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Aling larawan ang tutugma sa mga nararanasang alalahaning mental, emosyonal at sosyal na inilalahad sa bawat bilang. Isulat ang letra ng sagot sa iyong kuwaderno. D B 72 171 E C 27 TEX 1. Social Anxiety o Pagkabalisa sa Pakikisalamuha ay tumutukoy sa mga taong labis ang pagkatakot sa pakikisalamuha sa ibang tao, may mataas na antas ng pagiging mahiyain, kulang ang tiwala sa sarili, sensitibo at nag-iisip ng punang negatibo. Nakararamdam sila ng depresyon, pagkapahiya, at pangliliit ng sarili. 2. Ang Pagkasumpungin o Mood Swings ay ang pabago-bagong emosyon ng tao. Minsan masaya at minsan naman ay malungkot. Minsan ay napakaliksi o napakabilis kumilos at minsan naman ay nanlulumo sa kapaguran na kung minsan ay umaabot sa bipolar disorder o labis-labis na pagbabago ng damdamin at maaari na kalungkutan kung ring maging depresyon o labis-labis di-maaagapan. PIVOT 4A CALABARZON
Share
0 Replies