Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Suriin kung ang tauhan ay naging mapanagutan sa isinagawang kilos at ipaliwanag kung paano ito makakaapekto sa sarili at sa kapwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon 1: Si Mang Nick ay isang empleyado sa pamahalaang lungsod. Lagi siyang pumapasok ng maaga ngunit siya ay umaalis sa kalagitnaan ng kanyang trabaho upang tingnan ang iba niyang negosyo. Bumabalik na lamang siya bago ang oras ng pagtatapos ng kanyang trabaho sa opisina. Nang minsan siyang nahuli ng kanyang boss, agad na nangatwiran ito na tinatapos niya muna ang kanyang trabaho bago ito umalis, ngunit hindi ito tinanggap ng kanyang boss dahil nakikita nito na marami itong napapabayaan na nakakaapekto sa trabaho ng ibang empleyado. Nagkaroon ng alitan ang dalawa at agad na nagresign si Mang Nick sa kanyang trabaho. Naging mapanagutan ba si Mang Nick sa tungkulin na nakaatas sa kanya? Paano ito makakaapekto sa kapwa at sa kanyang sarili?
Sagot:
Sitwasyon 2: Si Maritess ay isang mag-aaral na nasa ikasampung baitang, pinili niya ang modyular na paraan ng pag- aaral dahil para sa kanya mas mabilis ito at mas maalwan sa kanyang oras. Mula Lunes hanggang Huwebes ng hapon ay nanonood lamang siya ng kanyang mga paboritong teleserye o kaya naman ay nagbabasa ng nobela gamit ang kanyang cellphone, ginagawa lamang niya ang mga gawaing pampaaralan tuwing Huwebes ng gabi hanggang Biyernes ng umaga dahil kailangan na itong ipasa ng kanyang ina sa paaralan, kahit paulit-ulit ng pinangangaralan ng kanyang magulang si Maritess ay hindi pa rin ito nagbabago hanggang nagkaroon na sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Naging mapanagutan ba si Maritess sa kanyang kilos? Paano nakakaapekto ang kanyang gawain sa relasyon niya sa ibang tao lalo na sa kanyang pamilya?
Sagot:
Sitwasyon 3: Ang pamilya ni Aling Nena ay bagong lipat sa Brgy. Masagana mula sa kabilang probinsiya. Dahil bago lamang sila sa lugar ay walang sinusunod na oras si Aling Nena sa paglalabas ng basura mula sa kanilang tahanan. Inilalagay lamang niya ito sa harap ng kanilang tahanan at hindi sa itinalagang lugar para sa pagtatapon ng basura. Dahil dito, ang kanilang inilalabas na basura ay madalas na ikinakalat ng asong gumagala sa kanilang barangay. Nagalit ang kanyang mga kapitbahay dahil sa pangyayaring ito at nagkaroon ng alitan ang mga ito. Ano ang pananagutan na hindi isinagawa ni Aling Nena? Paano ito makakaapekto sa relasyon niya sa kanyang mga kapitbahay at iba pang kasama sa kanilang barangay?
Sagot:
PLSSSS, PAKI SAGOT NG TAMA!
Share
Answer:
1. Maaring humina ang kanyang negosyo dahil napapabayaan na ang kanyang trabaho at sa iba pang empleyado
2. Mapapabayaan na ang kanyang pag aaral dahil maaga siya nag karelasyon
3. Magkakagulo ang kanilang baranggay dahil hindi siya sumusunod kung kailan itinakda ang pagtapon ng basura at nakaperwisyo pa siya ng mga kapit bahay lalo na bagong lipat lang siya
Gawa gawa ko lng toh ah
sana makatulong
pa brainlest po plssssss
follow mo na rin ako