Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawaing mabuti ang sumunod na tula. Sagutan ang mga sumunod na tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel Halika na, Kaibigan! P. Monterola Kaibigan, ikaw ba ay nalulungkot, Walang makakalaro at nababagot? Kaibigan, halika't sumama, Sapagkat may saya sa pakikipagkapwa. Kaibigan, ikaw ba ay nalulumbay, , Walang kumakausap at umaagapay? Kaibigan, halika't sumali, Sapagkat palaro, klase. Kaibigan, ikaw ba ay naiinip, Walang ginagawa, tulala't nananaginip? Kaibigan, halika't makiisa, Sapagkat may pag-asa sa mga pampaaralan na programa. Mga gabay na tanong: 1. Ano-anong pakiramdam o pinagdaraanan ang mga nabanggit sa tula? 2. Ano-ano naman ang dapat gawin sa mga nadarama o pinagdaraanang nabanggit? 3. Bakit kailangang makikipagkaibigan? 4. Bakit kailangang sumali sa palaro, paligsahan o klase? 5. Bakit kailangan na makiisa sa mga pampaaralan na programa? 6. Ikaw, sa palagay mo, kailangan bang makipagkaibigan at lumahok sa mga programa o proyekto ng iyong komunidad at lalo na sa iyong naaralan?
Share
Answer:
1.nalulungkot dahil walang makalaro,nalulumbay dahil walang kumakausap at umaagapay,naiinip dahil walang ginagawa.
2.Ang dapat gawin ay maging masaya at makipagkaibigan at wag palaging malungkot.
3.kailangan para marami kang kaibigan at mga kalaro para hindi mainip.
4.para maging masaya.
5.para makatulong sa kapwa estudyante at guro.
6.Opo
Explanation:
pa brainleist po plss