Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang salitang Tama kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggamit ng isip sa pagpapasya. Isulat naman ang salitang Mali kung ang sitwasyon ay hindi pinag-isipan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. ___1. Pinili ni Gerick na ipagputuloy ang kaniyang pag-aaral sa kabila ng pandemya na pinagdaraanan ng bansa at maging ng mundo. ___2. Agad ipinapasa ni lanie sa iba ang natatanggap na forwarded na mensahe sa cellphone patungkol sa nangyayari sa lipunan. ___3. Si Rico ay labintatlong taong gulang pa lamang ngunit lumalabas na ng bahay kahit ipinagbawal pa ito dahil sa COVID-19. ___4. Naglilinis muna ng sarili bago pumasok ng bahay ang ama ni Nelia galing sa trabaho. ___5. Nagtatanim ng gulay sa bakanteng lupa ang pamilya ni Arnold upang may makain sila at mabigyan din ang kapitbahay. Natukoy mo ba ang mga sitwasyon na nagsasaad na ito ay giamitan ng isip at kilos-loob sa pagpapasya? Ano ang iyong naging batayan?
Share
Answer:
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama