Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mangalap ng isang bagong balita na may
kinalaman sa ekonomiya. Isulat ito, gupitin o i-print at ipaskil sa iyong
kuwaderno. Ibigay ang mga impormasyong hinihingi.
BALITANG PANG-EKONOMIYA
Share
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mangalap ng isang bagong balita na may
kinalaman sa ekonomiya. Isulat ito, gupitin o i-print at ipaskil sa iyong
kuwaderno. Ibigay ang mga impormasyong hinihingi.
BALITANG PANG-EKONOMIYA
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
unti unting bamabagsak ang ekonomiya ng pilipinas dahil sa pagkalugi ng mga negosyante at dahil dito walang nag babayad ng buwis sa gobyerno
Answer:
Paglago ng ekonomiya bumagal dahil sa delay sa budget
Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang 3 buwan ng taon na isinisi ng gobyerno sa pagkaantala sa pagpasa ng pambansang budget.
Ito na ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa sa loob ng apat na taon.
Budget delay trims GDP growth to slowest in 4 years
Lumago ng 5.6 porsiyento ang gross domestic product o GDP mula Enero hanggang Marso, kompara sa 6.3 porsiyento noong Oktubre hanggang Disyembre.
Abril lamang nalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget o ang 2019 General Appropriations Act dahil sa bangayan ng mga mambabatas sa umano'y mga budget insertions.
"As we had forewarned repeatedly, the reenacted budget sharply slowed growth," ani Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Papalo sana sa 6.6 porsiyento ang paglago sa GDP kung naipasa sa oras ang budget, ani Pernia.
Mga 'siningit' kabilang sa natapyas sa 2019 nat'l budget
Dahil sa pagbagal ng paglago sa ekonomiya, maaaring makumbinsi ang Bangko Sentral ng Pilipinas na babaan ang tubo sa mga utang simula sa Huwebes.
Karaniwang binababaan ng Bangko Sentral ang "benchmark" na interest rate na ginagamit ng mga bangko para hikayatin ang mga negosyante na higit na mamuhunan.
Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez, inaasahan ang pagganda ng galaw ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon ngayong pasado na ang budget.
Aapurahin na aniya ng gobyerno ang mga naantalang proyektong impraestruktura sa pagpirma ni Duterte sa budget.