Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Panuto: Tunghayan ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng lima mula sa mga ito kung alin sa mga ito ang iyong pagtutuunan ng oras at atensyon. Gawan ng paliwanag ang iyong naging pagpili.
Mga nasa larawan:
Pera o Salapi
Pamilya
Pananampalataya
Kapayapaan
Pagtulong sa Kapwa
Bagong Bahay
Masasarap na Pagkain
Kaibigan
Share
Answer:
1.Pera o salapi dahil ang pera ay mahalaga sa araw-araw na pamumuhay. kailangan natin ito para mabili ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay tulad sa pagbabayad ng ilaw , pagkain , damit , tubig at iba pang bayarin.Ang pera ay [angunahing pangangailangan natin para makapagtayo ng mga negosyo para may pagkukunan ang pamilya.
2.Pamilya ang pinakauna na importante sa buhay natin. Sila ang mga tao na kasama natin sa hirap at ginhawa. Sila yung mga tao na mahalaga sa atin dahil sila ay karugtong ng dugo natin ,sila ang ating mga mahal sa buhay kaagapay sa mga pagsubok . Kasama sa mga pagsubok sa buhay magtagumpay ka man o bumagsak sila ang mga tao na nandyan tanggap ka.
3.
Pananampalataya ay mahalaga sa ating buhay. Ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas at katatagan sa buhay para lumaban sa buhay at dagok na darating kaya kailangan natin ang pananampalataya sa Diyos.
4.Kapayapaan ito ay kailangan natin para mabuhay ng tahimik at payapa. Kapag payapa ang buhay natin masaya ang mabuhay sa mundo .
5.Pagtulong sa Kapwa ito rin ay mahalaga na pagtuunan ng pansin. Marami ang nangangailangan ng ating tulong kaya sana ay isa tayo sa magbigay nito sa iba. Kahit sa kaunting tulong sa iba ay mahalaga ito at nagpapasaya na sa iba.