Gawain sa Pagkatuto Bilang 10: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga
likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Protectorate
D. Sistemang Mandato
2. Dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampolitikal,
pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang
maging pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo
B. Kapitalismo
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo
3. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin sa pananakop ng
mga lupain MALIBAN sa isa.
A. Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay na edukasyon
B. Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na kapangyarihan upang labanan
ang mga kalabang bansa.
C. Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan.
D. Pangangailangan sa hilaw sa sangkap at pamilihan ng mga bansang Europeo.
4. Isang anyo sa paraang ginamit ng mga Kanluranin kung saan direktang kinokontrol at
pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop na bansa. Isang halimbawa nito
ay ang ginawa ng England sa India.
A. Colony
B. Kasunduan
C. Merkantilismo
D. Protectorate
5. Alin sa mga sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng pananakop ng mga
Kanluranin sa mga Asyano?
A. Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang maibangon
ang sariling bansa.
B. Nanakop din ng mga lupain ang mga Asyano
C. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
D. Pagkamulat sa mga Kanluraning prinsipyo.
Patulong nmn po oh pls lng
Yung tamang sagot nmn po.
Share
Answer:
1.B
2.A
3.C
4.A
5.A