Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tula. Sagutan ang mga Sumusunod na tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.
Halika na Kaibigan!
P.Monterola
Kaibigan,ikaw ba ay nalulungkot,
Walang makakalaro at nababagot?
Kaibigan,Halika't sumama.
Sapagkat may saya sa pakikipagkapwa.
Kaibigan,ikaw ba ay nalulumbay,
Walang kumakausap at umaagapay?
Kaibigan,Halika't sumali.
Sapagkat kawili-wili ang mga palaro,paligsahan o klase.
Kaibigan,ikaw ba ay naiinip,
Walang ginagawa,tulala't nananaginip?
Kaibigan,halika't makiisa.
Sapagkat may pag-asa sa mga pampaaralan na programa.
Mga gabay na tanong:
1.Ano-anong pakiramdam o pinagdaraanan ang mga nabanggit sa tula?
2.Ano-ano naman ang dapat gawin sa mga nadarama o pinagdaraanang nabanggit?
3.Bakit kailangan makikipagkaibigan?
4.Bakit kailangan sumali sa palaro,paligsahan o klase?
5.Bakit kailangan na makiisa sa mga pampaaralan na programa?
pasagot po pleasee
Share
Answer:
1.Malungkot at walang malaro
2.Kinausap at naglaro
3.Para Masaya
4.Para manalo
5.Para maging matalino