Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng mga bagong salita mula sa mga
sumusunod ma salitang ugat gamit ang ibat-ibang panlapi. Tukuyin kung ano na ang
bagong kahulugan nito. Gayahin ang pormat sa ibabat at isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.
Kahulugan
Mga Bagong Salita
Salitang Ugat
1. tugtug
2. ngilin
3. yuko
4. gupo
5. buhay
Share
1. tugtog - tunog ng musika
tugtugin, pagtugtog, itugtog, tugtugan, tumugtog, tutugtog, tumutugtog, patutugtugan
2. ngilin - pag-iwas sa láyaw
pangílin, pangingílin
3. yuko - pagkilos pababâ sa harap ng ulo, karaniwang bílang tanda ng paggálang o pagkatálo
yumuko, napayuko, yuyuko, yukuan, niyukuan, pagpapayuko, pagyuko, yuyuko
4. gupo - pagbagsak o pagkagiba, karaniwang dahil sa labis na kahinàan o sa bigat ng anumang dumagán
gumupo, igupo, magupo
5. buhay -
bu·háy - may búhay, masiglá o matingkád, umaandar, aktibo
buháy na buhay
bú·hay - panahong itinatagal at paglagi ng tao, hayop, o bagay mula sa simula hanggang sa matapos, kalagayan, anyo, o katayuan ng isang tao
buháyin, bubuháyin, bumúhay, bumubúhay, mabúhay, nabúhay, nabubúhay, kabilang-búhay, sumakabilang-búhay, agaw-búhay