Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 : Ipaliwanag mo kung paano naipamalas ng mga sinaunang bayaning Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Diego at Gabriela Silang (1762-1763)Pag-aalsa ni Diego Silang nang dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong 1762 ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela ang pag-aalsa ng siya ay masawi.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
2. Francisco Maniago (1660-1661)Pinangunahan ni Francisco Maniago mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Juan Sumuroy (1649-1650)Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na magpadala ng mga polista
na taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-Samar. Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy, lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at
namundok bilang mga rebelde.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Share
Answer:1. Naipamalas ni Diego Gabriela Silang Ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kanilang pag aalsa dahil sa pang aabuso ng alcalde mayor at pagpapataw ng mabibigat na buwis kahit Alam nilang maaaring manganib Ang kanilang buhay.
2.Ipinamalas ni Francisco Maniago Ang kanyang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga.ang dahilan din ng pag-aalsa ay ang pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa.
3.Ipinamalas ni Juan Sumuroy Ang kanyang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at namundok bilang mga rebelde.
Explanation:
i hope this help you