Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nagpapakita ng pagiging iresponsable. Ipaliwanag ang di-mabuting dulot nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Nangako si June sa kaniyang OFW na nanay na di na magpupuyat upang hindi na mahuli sa klase. Ngunit hindi niya ito tinupad at ipinagpatuloy ang pagpupuyat gamit ang kanilang computer,
2. Araw ng palugit ng pagpapasa ni Rica ng kaniyang proyekto ngunit hindi pa niya ito nasisimulan dahil abala siya sa panonood ng telebisyon at paggamit ng cellphone araw-araw.
3. Hiniram ni Jeff ang sapatos ng kaniyang kaibigan ipinangakong ibabalik ito kinabukasan dahil gagamitin rin ito ng kaniyang kaibigan. Kinabukasan ay ginamit pa rin ni Jeff ang sapatos at hindi ito ibinalik sa kaniyang kaibigan.
4. Alam ni Josh na bawal ang mag-cutting classes ngunit ginawa pa rin niya ito dahil wala siyang maipapasang takdang aralin sa kaniyang guro.
5. Hindi kinikibo ni Peter ang kaniyang kaibigan dahil nakalimutan nitong tuparin ang kanilang kasunduan na tutulungan siya nito sa
pagsasanay sa talumpati
Share
Answer:
1: Maaring magkasakit si June dahil sa paglabag niya sa kanyang nanay o di kaya kung sakaling malaman na di sumunod mapapagalitan siya.
2.Baba ang kanyang markahan sa proyektong inilaan sa kanya.
3.Magkakaroon ng di pagkaunawan sa magkaibigan dahil hindi sumunod sa usapan si Jeff.
4:Maaring malaman ito ng kanyang magulang at siya ay mapagalitan.
5:Maging sanhi ito ng pagkasira ng pagkakaibigan.