Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang bawat pahayag
na nagpapakita ng pagiging iresponsable. Ipaliwanag ang di-mabuting
dulot nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Nangako si June sa kaniyang OFW na nanay na di na magpupuyat
upang hindi na mahuli sa klase. Ngunit hindi niya ito tinupad at
ipinagpatuloy ang pagpupuyat gamit ang kanilang computer.
2. Araw ng palugit ng pagpapasa ni Rica ng kaniyang proyekto ngunit
hindi pa niya ito nasisimulan dahil abala siya sa panonood ng
telebisyon at paggamit ng cellphone araw-araw.
3. Hiniram ni Jeff ang sapatos ng kaniyang kaibigan at ipinangakong
ibabalik ito kinabukasan dahil gagamitin rin ito ng kaniyang kaibigan.
Kinabukasan ay ginamit pa rin ni Jeff ang sapatos at hindi ito ibinalik
sa kaniyang kaibigan.
4. Alam ni Josh na bawal ang mag-cutting classes ngunit ginawa pa rin
niya ito dahil wala siyang maipapasang takdang aralin sa kaniyang
guro.
5. Hindi kinikibo ni Peter ang kaniyang kaibigan dahil nakalimutan nitong
tuparin ang kanilang kasunduan
kasunduan na tutulungan
na tutulungan siya nito sa
pagsasanay sa talumpati
Share
Verified answer
Answer:
1. Labis na mag aalala ang nanay ni June pag nalaman nya na nag pupuyat ang kanyang anak. Maaaring hindi maka pag pokus ang kanyang ina sa pag ta-trabaho at maari din syang pagalitan ng kanyang amo dahil sa pag sisinungaling ni June.
2. Ng dahil sa katamaran ni Rica sa pag gawa ng kanilang proyekto ay maaari siyang bumagsak sa subject na ito na magiging sanhi ng pag ka dismaya ng kanyang mga magulang.
3. Ng dahil sa ginawa ni Jeff ay nasira nya ang tiwala ng kanyang kaibigan, maaari ding hindi na sya maka hiram ulit dito ng kahit anong bagay.
4. Dahil sa kanyang ginawa ay lalo lamang magagalit ang kanyang guro. Maaari naman nyang kausapin ang kanyang guro at sabihin na naka limutan nya.
Explanation:
sana maka tulong