Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang teksto na nasa kahon.
Unawain at sagutin ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
Isa sa lumalalang problema ng bansa ang maruming kapaligiran.
Kahit saan ka tumingin, makakakita ka ng mga kalat sa lansangan.
Maging sa mga estero at sapa ay puno na rin ng basura. Bagamat
mabaho na kanilang paligid, patuloy pa rin sa pagkakalat ang mga
mamamayan. Hindi nila iniisip ang peligro na hatid ng maruming paligid.
Maaari silang magkasakit sa tiyan, sakit sa balat, at iba pa.
Kailan pa natin lilinisin ang paligid? Kapag nagkasakit na ang isa
sa pamilya mo? Hihintayin mo pa bang mangyari iyon?
1. Piliin ang wastong paksa.
A. Ang kapaligiran ay pinagmulan ng sakit
B. Ang basura ng mga tao ay mabuti
C. Magtulungan upang magkaroon ng malinis na kapaligiran
D. Kalimutan ang pagiging malinis
Share
Answer:
A. Ang kapaligiran ay pinagmulan ng sakit
Explanation:
sana makatulong po sa inyo