Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Pumili ng isa sa mga nabanggit na Istruktura o gusali mula sa gawain 3. Gumupit ng larawan nito o kaya naman ay iguhit ito. Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol sa nasa larawan at isulat ito sa iyong kuwaderno.
Share
Answer:
Ang Ospital Heneral ng Pilipinas (Ingles: Philippine General Hospital), na tinutukoy rin bilang UP–PGH o PGH, ay tersiyaryong opsital na pagmamay-ari ng na pinapangaswaan at pinapatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. Naitalaga ito bilang Pambansang Pamantasang Opsital at ang pinakamalaking pasilidad at referral center ng gobyerno. Nakatayo ito sa loob ng 10-ektaryong (25-akre) pook na matatagpuan sa Kampus ng UP Maynila sa Ermita, Maynila. Ang PGH ay may 1,100 kama at 400 pribadong kama, at may tinatantyang 4,000 empleyado upang mapaglinguran ang higit sa 600,000 pasyente bawat taon.
Ang PGH, na pinakamalaking ospital sa pagsasanay sa bansa, ay opsital panlaboratoryo ng mga mag-aaral ng agham pangkalusugan na nakaenrol sa Unibersidad ng Pilipinas. Kabilang dito ang mga mag-aaral ng medisina, pagnanars, terapiyang pisikal, parmasyutika, terapiyang pang-okupasyon, pagdedentista, at patolohiya sa pagsasalita.
Mayroong 15 kagawarang kliniko—Medisinang Pampamilya at Pampamayanan, Anestesyolohiya, Medisinang Internal, Palatistisan, Neurosiyensya, Pediyatriko, Otorinolaringolohiya-Palatistisan ng Ulo & Leeg, Optalmolohiya, Ortopedya, Medisinang Pangrehabilitasyon, Saykayatri, Radyolohiya, Patolohiya, Dagliang Paggamot at Obstetrisya & Hinekolohiya—pawang nag-aalok ng pagsasanay panresidente at pampagsasama. Nag-aalok din ito ng iba't ibang pagsasanay para sa mga paramdeikong espesyalidad tulad ng pagnanars, terapiyang pisikal, terapiyang pang-okupasyon, patolohiya sa pagsasalita, teknolohiya sa radyasyon, nutrisyon, pagdedentista sa ospital, teknolohiyang medikal at pagsasanay sa EMT.