Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagitin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang leua ng sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ang paniniwala na ang tao ay "panta-pantay" ay nakaugat sa katotohan na...
A. lahat ay dapat mayroong pag-aari. B. lahat ay may kani-kanyang angling kaalaman.
C. lahat ay iisa ang mithiin.
D. likha ang lahat ng Diyos.
2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino? A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
3. sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit nakaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
C. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
D. lahat ng nabanggit.
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa... A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.
5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan.
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan
Share
Answer:
1.A
2.C
3.B
4.A
5.D
Explanation:
Sana Maka tulong