Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Tunghayan ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin
kung ang mga ito ay nakabatay sa likas na Batas Moral o hindi. Pangatwiranan
ang iyong sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon A. Nagsara ang negosyo ng mga magulang ni Issa at nalugi sila dahil
sa COVID-19. Hindi tulad nang dati, wala ng kakayahan ang kaniyang ama at ina
na maibigay ang kaniyang hinihingi. Nahihiya si Issa na malaman ito ng kaniyang
mga kaibigan kaya pumunta siya sa kaniyang tiyuhin at nanghiram ng pera.
Nangako siya na babayaran ito ng kaniyang tatay kahit lingid ito sa kaalaman ng
ama. Tama ba ang ginawa niya? Kung ikaw si Issa, ano ang iyong gagawin?
Sitwasyon B. Itinuturing ni Gemma na tunay na kaibigan si Karen. Hindi alam
ni Gemma na ikinukuwento nito ang lahat ng kaniyang mga sekreto sa iba pa
nilang mga kaibigan. Kung ikaw si Gemma, ano ang gagawin mo?
Sitwasyon C. Tinanggap ng nanay mo na si Aling Sita ang ayudang ibinigay ng
baranggay kahit na regular na empleyado ng gobyerno ang iyong ama.
Makatwiran ba ang ginawa ni Aling Sita? Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?(mga ate at kuya patulong.·´¯`(>▂<)´¯`·.)
Share
Answer:
Hindi ito likas na batas moral dahil hindi isina alang-alang ni Issa ang kabutihan at karunungan na dapat na taglay ng isang anak bagkus isinangkalan ni Issa ang kanyang ama para makahiram ng pera sa kanyang tiyuhin ng sa gayon ay hindi siya mapahiya sa kanyang mga kaibigan. Hindi n’ya tanggap ang kanilang sitwasyon. Ang isang mabuting anak ay hindi gagawin ang ginawa ni Issa, maging mapagkumbaba sa lahat ng oras, at tanggapin lamang kung ano ang kaya ng mga magulang. Huwag ipilit ang mga bagay na hindi kayang ibigay. At kung ako si Issa, hindi ako hihingi ng mga bagay na hindi naman kailangan nang sa gayon ay matulungan ko ang aking mga magulang na makatipid sa pera dahil ang pera sa panahon ngayon ay mahirap kitain.
Explanation:
pa brainlest po ^-^