gawan ng tula ang nasa dyos ang awa nasa tao ang gawa
Share
gawan ng tula ang nasa dyos ang awa nasa tao ang gawa
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Karamihan sa mga Filipino ay kristiano at malaki ang kanilang pananalig sa kapangyarihan ng Diyos at lubos ang kanilang pagtitiwala sa Kanyang biyaya at awa.
Maganda sana an kasabihang ito kaya lamang kadalasan ang awa ng Diyos ang pinanaig ng karamihan sa halip na dapat magkatulong ang awa ng Diyos at gawa ng tao.
Explanation:
Ang mga taong mauunlad at mapapalad ay mapapansin natin ay kadalasan ay masisipag, matitiyag at gawa ng gawa. Hindi nila inaasa ang lahat sa Diyos. Ginagawa nila ang kanilang bahagi para sila umunlad. Humihingi lamang sila ng gabay at lakas sa Diyos at kaunting pagpapala at kalinga. Wika nga 99 porsiyento ang pawis, isang porsiyento lamang ang inspirasyon at awa ng Diyos.
Hindi natin maikakaila na ang pagtawag sa Diyos sa gitna ng isang panganib na sinusoong ay nagbibigay sa atin ng ibayong lakas, tatag ng loob at malakas na pag-asa na malalampasan natin ang kasalukuyang suliranin. Nagawa na natin ang ating magagawa. Ang huli ay Diyos na bahala. Na sa Kanya na ang awa.