Panuto: Basahin ang balita sa ibaba tungkol sa isang environmental hero na nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng ipinakitang pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at pinagkukunang yaman.
Isang retiradong siyentipikong Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa bansa matapos siyang mailathala sa Time Magazine bilang isa sa "Heroes of the Environment" (Mga Bayani ng Kalikasan).
Si Jurgenne Primavera, naninirahan sa Iloilo ay senior scientist sa Southeast Asian Fisheries and Development Center (SEAFDEC) hanggang sa siya ay mag-retiro noong taong 2006. Sinabi ni Primavera sa isang panayam na natutuwa siya na nailathala siya ng Time Magazine sapagkat ito ay magdadala sa kaniyang kampanya sa mas malawak na audience.
"Hindi ito para sa akin. Ito ay para sa mga bakawan (mangroves)," sabi niya. Isa si Primavera sa 30 grupo ng mga tao, na binubuo ng mga aktibista, siyentipiko, mga tanyag na tao, imbentor at mananalapi sa buong mundo na pinarangalan dahil sa kontribusyon sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.
Hindi nila malulutas mag-isa ang suliranin sa climate change o ang endangered species. Subalit dahil sa kanilang mga halimbawa, ang kanilang kusang pag-aalay ng sarili sa bagay na sinasabi nilang "hopeless case," ang mga bayani ng kalikasan ay nagbigay ng ilaw sa dilim," ayon din sa ulat ng Time Magazine.
May ulat mula sa pamahalaan na mayroon na lamang 120,000 ektarya ng bakawan sa Pilipinas. Bumaba ito mula sa 500,000 na ektarya noong 1990.
Question:
1. Ano ang ipinakita/ginawa ni Jurgenne Primavera para siya ay bigyan ng karangalan bilang isa sa "Heroes of the Environment?"
2. Bakit niya binibigyan ng pagpapahalaga at pananagutan ang pinagkukunang- yaman?
Share
Answer:
1.Dahilan sa kontribusyon Niya sa pangangalaga at pagroteka ng kalikasan.
2. Upang ang aquaculture ay umunlad nang matatag.Dahil Ang mga bakawan na natural na nagsala ng tubig.
Explanation:
sure po ako dun dahil kakatapus ko Lang ito sagutan