grade4 ESP Gawin sa Pagkatuto Bilang 7: Gumupit o kumopya ng isang balita idikit o isulat ito sa iyong kuwaderno. Ibigay ang mga impormasyong hinihingi sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno ANG BALITANG AKING NAKALAP 1. Pamagat o headline ng balita: 2. Pinagkunan o source ng balita: 3. Petsa ng pagkakalimbag: 4. Maikling paliwanag kung tungkol saan ang balita: 5. Pasya kung katotohanan ba ito o hindi at ang paliwanag:
Share
Verified answer
Ang balitang aking nakuha ay tungkol sa pagkabahala ng Department of Environnent and Natural Resources sa natagpuang face mask sa Anilao reef. Pinapaalalahanan sa balitang ito ang pagiging responsable ng mamamayan sa pagtatapon ng kanilang mga disposable face masks sa kapaligiran.
Pamagat o headline:
DENR chief, naalarma sa natagpuang face masks sa Anilao reef
Pinagkunan o source ng balita:
Remate, And Dyaryo ng Masa
Petsa ng pagkakalimbag:
Ika-26 ng Marso, taong 2021.
Maikling paliwanag kung tungkol saan ang balita:
Ang balita ay tungkol sa pagkabahala ng Department of Environment and Natural Resources sa patuloy na pagtaas ng basura sa Anilao reef. Nakaka-alarma ang ganitong pangyayari dahil hindi lamang ang patuloy na pagtaas ng Covid-19 ang kailangan nating pagtuunan, kung hindi pati na rin ang mga basurang naiipon sa ating kapaligiran.
Kapag nagpatuloy ang ganitong gawain, hindi lamang mga tao ang maaapektuhan. Kabilang na rin ang mga hayop sa tubig na siyang minsan pinagkukunan natin ng yamang dagat.
Pasya kung katotohanan ba ito o hindi at ang paliwanag:
Katotohanan ang balitang ito at hindi ito kathang-isip lamang. Malaki ang papel na ginagampanan ng DENR sa pangangalaga ng ating kapaligiran at kalikasan. Kailangan natin ng kooperasyon upang maging maganda ang kinabukasan ng ating likas na yaman. Malaking aral din ang ibinibigay ng balitang ito dahil minumulat tayo sa katotohanan at mga responsibilidad na kailangan nating gampanan.
Kapag nagpatuloy ang ganitong gawain, ang mga tubig yaman natin ay maaapektuhan lalo na ang mga taong ginawang kabuhayan ang dagat. Magiging panget rin ito sa mga turista at magsisilbing masamang ehemplo para sa ibang bayan. Tayong mga Pilipino ay kilala sa pag-aalaga ng ating mga likas na yaman pero kung ito ay magpapatuloy, mawawala ang reputasyon natin at nagiging kahiya-hiya ito para sa sambayanan.
Kung nais mong matuto ng mga uri ng balita, maaaring magtungo lamang s alink na ito:
brainly.ph/question/2767937
#SPJ2