Grade:7 Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
• Ano ang tila nasasalamin mo sa kasalukuyang kalagayan ng lugar kung saan nagmula ang binasa nating kuwentong-bayan? Ano-anong detalye mula sa balita ang makapagpapatunay sa iyong sagot?
Mindanao, Maisasalba ng Lake Lanao
Mario Kasayuran
Dapat na maipasa na ng Kongreso ang panukala sa pagtatatag ng Lake Lanao
Development Authority na lilikha ng malinaw na framework sa pangangasiwa sa Lake
Lanao at sa watershed resources nito upang matugunan ang pagpapatuloy ng
rotational brownout sa Mindanao, na tinaguriang” land of promise”.
Ayon kay Senator Loren Legarda, awtor ng panukala, ang talamak at
lumalalang deforestation sa mga watershed, kabilang ang nasa Lake Lanao, at ang
siltation sa mga ilog ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang suplay ng
koryente sa Mindanao.
Samantala, ang panukalang pagtatayo ng 300-megawatt (MW) fossil fuelpowerd electric plant ang nakikita ng gobyerno na pansamantalang solusyon sa kapos
na suplay ng koryente sa rehiyon.
Iginiit naman ni Legarda na ang patuloy na pagkatuyo ng Lake Lanao ay
nakaapekto sa suplay ng tubig mula sa lawa para sa anim na hydroelectric power
plant sa Mindanao, kabilang ang Agus, na ang kabuoang sinu-suplay ay responsible
sa 70 porsiyento ng pangangailangan sa koryente ng buong rehiyon.
Ayon sa senadora, inaasahan na niya ang kakapusan ng koryente sa
Minadanao, kaya naman inihain niya ang Senate Bill 3097 para sa Lake Lanao, sa
pamamagitan ng Lake Lanao Development Authority.
8
“The Lake Lanao Development Authority shall have the exclusive jurisdiction to
issue Environmental Compliance Certificates (ECCs) Certificate of Non-Coverage
(CNCs) and grant permits for any projects or activities in or affecting the Lake Lanao
Area.” Ani ni Legarda.
Sa kasalukuyan, umaabot sa 1,484 MW’s ang demand sa koryente sa
Mindanao, ngunit nasa 1,181 MVs lang ang kayang ipagkaloob ng mga power plant sa
rehiyon, kaya kulang ng 300 MWs ang kabuong suplay, na nagresulta sa rotational
Brownouts.
Mula sa Online Balita, April 4, 2013 Hope you answer it and it most helpful to me.
Share
1 Replies