Gumawa ng MAIKLING kwento
PAALALA : Hindi tungkol sayo
Share
Gumawa ng MAIKLING kwento
PAALALA : Hindi tungkol sayo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
answers
Ang ulilang magkapatid
Sa isang malayong bayan na kung tawagin ay Bantas, nakatira ang magkapatid na nagngangalang Kez at Jonie. Sila ay ulila na at dumidiskarte ng trabaho sa murang edad upang makaraos sa buhay.
Isang araw, habang sila ay papasok sa kanilang munting trabaho ay may nakasalubong silang lalaki na puno ng pagtataka ang mukha dahil sa kalagayan ng dalawang bata. Naisip ng magkapatid na maaaring masamang tao ang lalaking iyon kung kaya't sila ay agad na naghawak kamay at unti unting umatras.Napawi naman ang kanilang pangamba ng mahinahon silang kausapin ng lalaki at ipinakwento kung bakit ganoon ang kinahinatnan ng kanilang buhay.
Nagdesisyon ang lalaki na kupkupin ang dalawang bata at palakihin ito ng maayos malayo sa pamumuhay na kanilang natatamasa. Magmula noon ay naging masaya ang magkapatid at naging maayos ang kanilang buhay.
Tagpuan
Ang tagpuan ng kwento ay ang bayan na kanilang kinabibilangan na tinatawag na bayan ng Bantas
Problema
Ang pagiging ulila ng dalawang magkapatid na nagngangalang Jonie at Kez at ang kahina hinalang lalaking sumulpot sa kanilang harapan.
Tauhan
Magkapatid na Kez at Jonie pati ang lalaking mabuti ang puso
Pamagat
Ang ulilang magkapatid
Solusyon
Ang pagiging masaya ng magkapatid sa wakas ng kwento dahil sa pagkupkop sa kanila ng mabuting lalaki.
Tema
Tayo ay wag sumuko sa buhay manatiling positibo dahil isang araw ay malalagpasan natin ang mga problemang ating kinakaharap.
Wag magsasawa o magdadalawang isip na tumulong sa kapwa sa abot ng ating makakaya dahil maaari nating mabago ang kanilang buhay sa simpleng kilos lamang.