Gumawa ng paglalarawan ng impluwensiya sa iyong pagkatao ng iyong sariling pamilya lalo na sa umiiral na pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa pamamagitan ng tula o sanaysay
please po brainliest kita
Share
Gumawa ng paglalarawan ng impluwensiya sa iyong pagkatao ng iyong sariling pamilya lalo na sa umiiral na pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa pamamagitan ng tula o sanaysay
please po brainliest kita
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Sanaysay
Ang sanaysay ay tumutukoy sa uri ng sulatin o komposisyon kung saan ating naihahayag o nailalathala ang ating sariling pananaw, opinyon, o kaalaman ukol sa isang patikular na paksa na ating napili.
Impluwensiya ng Aking Pamilya sa Aking Pagkatao
Naniniwala akong kung hindi dahil sa pagmamahal na natanggap ko sa aking pamilya ay hindi ko rin matututunan kung paano magmahal ng aking kapwa. Sa aking pamilya ko naranasan ang makatanggap ng pagmamahal na handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng isa. Natutunan ko sa kanila lalu na sa aking mga magulang na walang bagay na mahirap kung ito ay ginagawa mo ng mayroong pagmamahal.
Dahil sa aking pamilya ay natuto akong magmahal, hindi lamang sa aking pamilya at kaibigan, kundi pati na rin sa aking kapwa. Tinuruan ako ng aking mga magulang na ang pagtulong ng mayroong pagmamahal sa kapwa ay hindi humihingi ng kapalit. Kaya naman ako ay lumaki ng mayroong busilak na pusong mayroong kagalakan sa pagtulong sa iba.
Higit sa lahat ay ang aking pananampalataya sa Diyos. Ang buhay ay hindi palaging masaya at hindi rin naman palaging malungkot ngunit sabi nga ng aking ama, ang lahat ng bagay ay pansamantala lamang at lahat ng ito ay mayroong dahilan ang Diyos. Hindi tayo pababayaan ng Panginoon, wika niya. Kaya naman lumaki ako na anuman ang pagsubok na madaanan ay nananatiling may pananampalataya, at anumang pagpapala ay nananatiling mayroong pasasalamat sa Diyos.
Para sa Karagdagang Impormasyon
Kahulugan ng Sanaysay:
brainly.ph/question/2501519
#SPJ1