gumawa ng pananaliksik
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Napakahalagang hakbang sa pagpapakilala sa mga mag-aaral sa Filipino bilang
disiplina ang pagpapatatag ng kanilang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik na
kakailanganin nang lubos sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo at sa larangang
propesyunal. Sa mga kasanayang inilatag sa tsart ng "Pag-aantas ng mga Kasanayan
sa Filipino," ipinakikita na "kailangang" matutuhan at mabatid na ng mag-aaral sa
Baitang 8 ang mga batayang salik na bumubuo sa pananaliksik. Ilan sa mga ito ang
iba't ibang anyo ng pananaliksik (etnograpiko, historiko, tekstuwal, pansining, at
kultural); bahagi ng papel-pananaliksik; pagbuo ng abstrak; etikal at legal na
proseso ng pagtitipon at pagbabahagi ng impormasyon; kahalagahan ng
pananaliksik; iba't ibang anyo ng sanggunian; pagsusuri sa mga nakalap na
impormasyon; at marami pang mga kaugnay na elemento at kasanayan. Kung
susuriin nang mabuti, nasisimulan na ang pagpapasok ng mga kasanayang kaugnay
ng pananaliksik sa mababang baitang pa lamang tulad ng simpleng paghahanap ng
kahulugan ng salita sa diksyunaryo; pagtatala ng impormasyong hango sa radyo,
telebisyon, o diyaryo; mga detalye sa survey; mga pahayag mula sa pakikipanayam; o
kahit batay sa sariling obserbasyon sa mga sari-saring bagay. Papaitaas ang usad ng
mga kasanayan sa pananaliksik na kailangang gawin at mapanatili upang makabuo
ng higit na pagpapahalaga at pag-unawa ang mga mag-aaral sa pananaliksik bilang
dinamikong proseso ng pagbatid sa mga impormasyon, pag-unawa sa tiyak na
konteksto niyon, pagsusuri ng kondisyong inilalatag ng realidad, at pagtuklas din ng
mga alternatibong kaalaman.