gumawa ng tula tungkol sa covid 19
Share
gumawa ng tula tungkol sa covid 19
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sa inyo aming alay
Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Bagsik na dala ni Corona
Kayong humaharap sa nakaambang panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.
Gapiin ang kamandag ni Corona
Huwag magwagi bagsik ni Corona
Naririnig namin usal ninyong hiling
Taimtim na panalangin
Matapos na sana, salot ni Corona
Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila
Matigil na ang salot na dulot
Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan dumaragsang bangkay…
Naririnig namin taimtim nyong panalangin
Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Upang makauwi naman
Makapiling mga mahal sa buhay!
Dalangin nyo, tumatagos sa hangin
Dalangin nyo, aming naririnig
Sinasabayan namin inyong panalangin
Sana’y makamtan nga inyong hinihiling…
Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!
Answer:
Panalangin na sana'y matapos na
Na itong Corona na nakakainis na
Mag-tulungan tayo na ito ay magapi
Para ang nakaraa'y maranasang muli.
Pilipino tayo, iisang hangarin
Na ang Covid 19 ay mag wakas
May pagkakataon na huwag sayangin
Para may matamasa pa tayong magandang bukas.
Tayong lahat ay sumunod sa batas
Huwag ng matigas ang ulo
Kung gusto ninyong may makita pang bukas
Halina't mag-kaisa tayo.
Explanation:
EMEGED SARILI KONG GAWA IYAN HA!! SANA MAKATULONG. WELCOME MGA BIBE
#CarryonLearning