Gumawa ng tula tungkol sa pangangalaga ng ating mga likas na yaman. Ang
fula ay dapat na binubuo ng tatlong (3 stanza) saknong na may apat (4 lines) na
taludtod. Sundin ang mga sumusunod na criteria sa pag gawa ng tula.(dapat sha 3 stanza at 4 lines)
Share
Verified answer
Ang likas na yaman ay tumutukoy sa mga bagay na naibibigay sa atin ng kalikasan katulad na lamang ng yamang gubat, yamang tubig, yamang mineral, at yamang lupa.
Ang Pilipinas bilang arkipelago ay mayaman sa yamang tubig. Mahigit nga sa 3000 na uri ng isda ang makikita sa Pilipinas. Ang mga isda nga at iba pang nabubuhay na hayop sa katubigan ay nagsisilbing pagkain ng mga tao.
Pangangalaga sa Likas na Yaman
tula ni Primrowe
Kapaligiran ay pangalagaan
Kalat huwag itapon kung saan saan
Ibalik sa dati ang sigla
Ng mga gubat nakakalbo na
Anyong tubig dapat na linisin
Upang mga isda ay di ito lisanin
Maglakad kung malapit ang pupuntahan
Nang hangin ay maging malinis naman
Likas na yaman ay biyaya sa atin
Kaya huwag sanang balewalain
Tayo rin naman kasi ang kawawa
Kapag ang mga grasyang ito ay nawala
Puntahan ang link na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa likas na yaman:
#SPJ1