gumawa sanaysay tunkol sa pandemya..
please po mahaba thank u,☺️
Share
gumawa sanaysay tunkol sa pandemya..
please po mahaba thank u,☺️
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
TITLE:
Pilipino Tayo, Maipapanalo Natin 'To
Explanation:
Disyembre 2019 nang muling bumalik ang kapamilya ni Spanish Flu, ang pamilya ng coronavirus. Matapos mapabalitaang nagkaroon ng pneumonia outbreak sa Wuhan, China at kalaunang nadiskubreng isa itong bagong uri ng coronavirus- ang dating 2019-nCoV na ngayon ay COVID-19 na.
Nagsimula't nagtapos- kung kailan pa nagsimula ang bagong taon ay doon pa huhudyatan ng tadhana ang pagtatapos ng buhay ng ilan sa atin. Naging madugo at magiging madugo pa ang laban natin kontra COVID-19 sapagkat hanggang ngayon ay patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng mga positibo sa sakit at negatibo sa pag- iisip.
Marahil ay napakahirap ng sitwasyong ito. Maaaring ang naiisip natin ay kung ano ang kakainin natin sa mga susunod pa na mga araw.
Naglaan na ang mga gobyerno ng mga solusyong pinansiyal upang tugunan ang mga gutom at paghihirap ng mga tao sa Pilipinas at sa buong mundo.
Bilang bahagi ng solusyon, tumutuklas na ang mga eksperto na bakuna kontra sa COVID-19. Kamakailan lang ay nadiskubre ng isang biotech company na Moderna Inc. sa America ang MRNA-1273 na posibleng maging gamot at AVIGAN naman sa Japan na isang anti-flu medicine. Ngunit dumadaan pa ang mga ito sa pagsusuri.
Higit sa lahat, maaaring maging pinakamabisang solusyon ang dasal o ang koneksyon sa Panginoon.
Sinubok tayo ng bagong taon, ng bagong hamon. Ang COVID-19 ay mananatiling banta sa lahat. Marami na ang luhang natuyo, sikmurang nagutom at bulsang nabutas. Subalit hindi pa rin sumusuko ang gobyerno, ang Agham sa pagresolba ng mga isyu ukol sa pandemyang ito.
Sa gobyerno, nawa'y ipagpatuloy lang ang mga mabubuting gawain at panatilihin ang pagkakaisa at pagmamahal sa mga mamamayan. Nawa'y makamit din ng mga tao ang ekwalidad at hustisya. Magkaroon nawa ng patuloy na suporta, patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga sikmurang walang laman at bulsang nabutas.
Sa mga mamamayan, sa lahat ng tao, ilaan natin ang pasensya, disiplina, pagmamahal, at kapayapaan para sa ating sarili tungo sa pakikipagkapwa. Pairalin natin ang suporta sa Agham at gobyerno. Patuloy lang ang mga tamang gawain at iwaksi ang ugaling hindi pagsunod sa batas.
Isang mahalagang paalala- ang batas ay mananatiling nasa papel lamang kung hindi natin ito susundin.
Ang pagsuko ay hindi dapat kabilang sa ating opsiyon, laban lang nang laban. Isang lahi, isang lipi, Pilipino kontra pandemya, laban natin 'to— maipapanalo natin 'to.