guys pa help po please need ko na po ngayon please tamang sagot po I brainliest ko
Share
guys pa help po please need ko na po ngayon please tamang sagot po I brainliest ko
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
MGA GAMPANIN NG MGA KABABAIHAN
Noon, malayong magkaiba ang estado ng mga kalalakihan sa kababaihan. Di hamak na mas mababa ang tingin sa mga babae noon sa isang lipunan. Pero sa panahon ngayon, marami ang nag-iba. Dulot ng maraming pagbabago, ang lalaki at babae sa kasalukuyan ay halos magkakapareho na ang mga tungkuling ginagawa at resposibilidad.
NOON
Narito ang kalagayan ng mga kababaihan sa panahon ng Kolonyalismo - Amerikano, Espanyol at Hapon:
Panahon ng Amerikano: Maganda ang naging gampanin ng babae sa panahon ng Amerikano.
• Naging pantay ang paningin para sa mga kababaihan noong panahon ng Amerikano.
• Nagtayo ng mga unibersidad ang mga Amerikano para sa kababaihan upang magkaroon ng pagkakataon na mahubog at maturuan nang husto ang mga babae upang maging lider, propesyonal at iba pa.
Panahon ng Espanyol: Sa panahon ng Espanyol, ang katayuan ng mga kababaihan noong panahon ng Espanyol ay:
• Sila ay inaasahan na maging mala-Maria Clara: mahinhin, tahimik, konserbatibo at matiwasay.
• Inasahan na eksperto ang mga babae sa mga gawaing-bahay at sa pag-aalaga ng pamilya.
Panahon ng Hapon:
• Hindi lang mga lalaki ang may tungkulin na maging bahagi ng pakikipaglaban sa mga Hapones at sa giyera. Tungkulin din ito ng mga babae.
• Sumali rin ang mga babae sa HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon o The Nation’s Army Against the Japanese Soldiers sa Wikang Ingles).
• Iniwan ng mga kababaihan ang kanilang tahanan upang magtrabaho o makilahok sa giyera.
• Noon, kung may trabaho man o wala ang mga babae, inaasahan silang gumawa ng mga gawaing bahay.
• Ibang-iba ang naging kalagayan ng mga kababaihan sa Pilipinas noon.
KASALUKUYAN
Pero sa paglaon ng panahon, ang lalaki at babae ngayon ay pareho nang gumaganap, may karapatan, magkapantay, at may mga batas na pumo-protekta sa mga babae laban sa pananakit at pang-aabuso. Maari na silang mamuno at magkaroon ng posisyon sa lipunan ngayon.
Ito ang ilan sa mga gampanin ng mga kababaihan sa ngayon:
• Babae ang “Ilaw ng Tahanan” kung saan sila ang tagapag-alaga at taga-aruga sa mga anak. Pantay na ang katayuan at karapatan ng ama at ina sa isang tahanan.
• Babae ang humahawak ng pera para mag-budget nga mga gastusin para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
• Bahagi sila ng mga proyekto na makakapagpa-unlad ng lipunan at karapatan nila na maging lider at mamuno.
• Sa propesyon, maari silang kumuha ng kurso na kanilang gusto tulad ng pagdo-doktor at paga-abugado.
• Maari silang humawak ng tungkulin sa pamahalaan.
• Maghanap-buhay at kumita ng pera para sa pamilya.
• Sa pananamit, may karapatan silang suotin ang kanilang nais at hindi na bawal na maglagay ng kolorete sa mukha.