Halimbawa ng figures of speech in tagalog?
Share
Halimbawa ng figures of speech in tagalog?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Halimbawa :
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
Personipikasyon o Pagtatao – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. ‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi
Pag-uulit
Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Halimbawa:
1 Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
2 Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.
Anapora – Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
Anadiplosis – Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Halimbawa:
Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.
Baguhin koman ng itoy magisnan;
Magisnan ng lahat ng matalino,
Matalino ang mas nakakaalam.
Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;
Sundin moman na walang gawiin,
Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat
Explanation:
#CarryOnLearningPABRAINLIESTPO
Answer:
figure of speech in tagalog: mga uri ng tayutay
pagtutulad
-simile
pagwawangis
-metaphor
pagsasatao
-personification
pagmamalabis
-hyperbole
Mga Tayutay (Figures of Speech)
Ang tayutay ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang labas sa patitik na kahulugan upang maging marikit, maharaya at makasining ang pagpapahayag.