Halimbawa Ng komentaryong panradyo
Share
Halimbawa Ng komentaryong panradyo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Announcer: Magandang Hapon mga ka Usizero’t Usizera ! Ito po ang Isyu 24/7 ng 139.09 life radio! Nandito na ang tambalang talagang inaabangan tuwing hapon! Sina Ate Kim at Mama Jack ! Ate Kim: Magandang-magandang hapon sa inyong lahat! Ako po Ate Kim hindi si Kuya Kim na nagsasabing ang life ay panapanahon lang! Mama Jack: Good Afternoon madlang Usizero’t Usizera! Ako po si Mama Jack! Na nagsasabing kung mayroong Papa Jack mayroon ding Mama Jack! Ate Kim: So... Partner anong ganap ngayon ? Mama Jack: Naku Pards ang daming ganap ngayon... At isa na rito ay ang issue tungkol sa reklamo laban sa montero ng mitsubishi! Ate Kim: Tama ka dyan pards! Andami ko ring mga narinig na balita tungkol dyan ! Mama Jack: At dahil marami ka ngang narinig ukol dyan... Bakit hindi na lamang ‘yan ang pag-usapan natin ! Ate Kim: oo nga naman pards! Mama Jack: so pards, anong say mo sa mga reklamo laban sa Montero ng Mitsubishi nayan? Lalo na’t montero yang sasakyan mo? Ate Kim: sa totoo pards nangangamba ako eh. Madami na kasi yung kaso ng SUA o sudden Unintended acceleration laban sa Montero. Pinangangambahan kong baka mamaya mangyari pa sa akin yang SUA na yan! Eh dugo’t pawis ko yung perang ginamit ko sa pagbili nyan eh., baka mamaya may dugo ngang dumanak pag nangyari yang SUA na yan eh! Mama Jack: pero pards may sinasabi nga yung mitsubishi na HUMAN ERROR lang daw yung nangyari. Malay mo human error nga lang talaga. Baka mamaya yung driver lang talaga yung may kasalanan. Ate Kim: may possibility rin naman , pero pards para malinawan tayo sa isyung yan eh narito si Ms. Liezel Sarte, isa sa opisyal ng Mitsubishi Motors! Magandang hapon Ms. Sarte! Mama Jack: Good Afternoon Ms. Sarte! Ms. Sarte: Good afternoon din sa inyo Ate Kim, Mama Jack at sa mga nakikinig dyan sa mga bahay nila. Mama Jack: Ms. Sarte, ano pong masasabi nyo ukol sa isyung kinakaharap ng inyong Montero?