halimbawa ng monologo tungkol sa pangarap...
Yung maayos pong sagot (ʘᴗʘ✿)
Share
halimbawa ng monologo tungkol sa pangarap...
Yung maayos pong sagot (ʘᴗʘ✿)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Lahat ng tao ay may pangarap sa buhay. Lahat ay may mga bagay na nais makamtan, lugar na nais mapuntahan, at mga pangyayaring nais maranasan. Sa pagkamit natin ng ating mga pangarap, mayroon tayong mga bagay na nagtutulak sa atin para magpatuloy lang at huwag sumuko. Inspirasyon. Sa pag-abot ko ng aking mga pangarap sa buhay, ang mga magulang ko lagi ang nasa isip ko. Sila ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagkamit ng mga pangarap ko.
Mula pagkabata, pangarap ko na talagang yumaman. Gusto kong tumigil na sa pagtratrabaho ang mga magulang ko at ako na lamang ang magtrabaho sa kanila. Alam kong hirap sila sa pagtratrabaho para lang may makain at makapag-aral kami kaya naman pinagbubuti ko ang pag-aaral ko para magkaroon ako ng magandang kinabukasan. Mahirap man ay kinakaya ko pa rin para sa mga pangarap ko. Lagi kong inisip ang mga magulang ko na siyang ginagawa kong inspirasyon para makamit ko ang mga ito. Minsan ay gusto ko ng sumuko pero kapag naiisip ko ang mga hirap na pinagdaanan nila para sa akin ay nagkakaroon ako ng panibagong lakas para harapin muli ang mga pagsubok na pinagdadaanan ko. Naisip kong sumusuko ako sa mga bagay na nagbibigay sa akin ng kaunting hirap kumpara sa mga sakripisyo nila para sa akin kaya naman bumabangon ako lagi para magpatuloy. Babangon at babangon akong muli at magpapatuloy para sa mga inspirasyon ko sa buhay hanggang sa maabot ko na ang mga pangarap ko.
Hindi dapat tayo sumuko gaano man kadali o kahirap abutin ng ating mga pangarap. Isipin lang natin ang dahilan o ating inspirasyon na nagtutulak sa kanila para abutin ang kanilang mga pangarap o para gawin ang isang bagay. Minsan ideya, lugar o bagay pero madalas ay tao. Magpatuloy lang tayo sa pag-abot nito dahil makakamit natin ang lahat kung pagsusumukapan natin itong abutin.
-----------------------------------------------
Para malaman ang kahulugan ng sanaysay, uri, bahagi, at elemento nito, sundan lamang ang link na ito: brainly.ph/question/652433
#BrainlyLearnAtHome
#AnswerForTrees
Explanation: