halimbawa ng pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad?
Share
halimbawa ng pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
nagiging palakaibigan ako at parang unti unti ako sumasabay sa kanila na makipag sapalaran
Answer:
Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad.
Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga o
pagbibinata, ang isang bata ay madalas na mas nakikipag-ugnayan sa kapwa batang katulad niya ang kasarian. Halimbawa, kung babae ka, mas
gusto mong kalaro ang kapwa mo babae. Para sa isang bata, mahalaga ang pagkakaroon ng kalaro dahil ito ang magtuturo sa kaniya ng pakikipag-
ugnayan. Ngunit habang lumalaki at nagkakaisip, nababago ang kaniyang pagtingin sa kaniyang kapwa. Nagiging mas malalim ang kanyang pagtingin sa pakikipag-ugnayan. Naghahanap na siya ng mga taong makakasama niya nang mas madalas sa araw-araw, makakasundo sa maraming bagay at ibang gawain. Ang tawag niya rito ay mga kaibigan. Sila ang mga taong
tumutulong sa kaniya upang matanggap at mapabilang siya sa isang pangkat na labas sa kaniyang pamilya. Ngunit mahalagang maunawaan niya na may tungkulin siya sa paghubog ng isang maayos at ganap na
pakikipag-ugnayan.
Sa puntong ito, makatutulong sa iyo ang sumusunod na hakbang:
a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais. Kailangang malinaw sa iyo kung ano ang iyong nais sa isang pakikipag-ugnayan.
Halimbawa, gusto mong magkaroon ng isang kaibigan na maaari mong ituring na parang sarili mong kapatid dahil ikaw ay nag-iisang anak.
b. Ipakita ang tunay na ikaw. Mula sa iyong pagkabata, natuto ka nang gumanap sa iba’t ibang gampanin sa iba’t ibang sitwasiyon.
Kasama dito ang pakikipag-ugnayan. Sa unang yugto ng iyong pagdadalaga o pagbibinata, ginagawa mo ang lahat upang matanggap
ka ng ibang tao na iyong kasing-edad. Handa kang makiayon sa kanila upang mapabilang lalo na sa isang barkada. Ngunit maaaring
makalimutan mo na ang totoong ikaw. Huwag kang mahiyang ipakita sa kanila ang tunay mong pagkatao. Matuto kang ipahayag ang iyong
pagtutol sa mga bagay na labag sa kabutihan.
c. Panatilihing bukas ang komunikasyon. Ang pagbabahagi ng iyong nararamdaman, ninanais, mga plano, mga takot, kasiyahan at iba pa
ay mahalaga tungo sa isang ganap na pakikipag-ugnayan. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung walang anumang itinatago sa bawat isa.
e. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa. Kung walang tiwala sa isa’t isa, mahina ang pundasyon ng ugnayan. Kung mananatili ang pagtitiwala
sa isa’t isa, kayang lagpasan ang anumang mga pagsubok sa pakikipagugnayan. Kaya lang, iwasang maging masyadong pamilyar
sa isa’t isa. Ibig sabihin, hindi lahat ng sensitibong bagay sa iyo (tulad ng isang karanasang may negatibong epekto sa iyo) ay dapat mong
ibahagi. Baka gamitin ang impormasyon na ito sa ikapapahamak mo balang araw. May kasabihan sa Ingles na “Familiarity breeds contempt.”
f. Maglaro at maglibang. Walang pinakamasarap kundi ang maging bata (childlike). Kung minsan sa labis na pagiging seryoso natin sa
buhay, nakalilimutan na natin ang halaga ng paminsan-minsang paglalaro at paglilibang na kasama ang mga kaibigan. Sa paraang ito,
nakakalimutan natin ang maraming pag-aalala, takot, pagdududa at insekyuridad (insecurities).
g. Mahalin mo ang iyong sarili. Kung hindi mo matututuhang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matututuhan ang magpahalaga sa ibang tao. Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung hindi mo kayang tanggapin ang sarili mong mga kahinaan. Kung hindi ka masaya sa maraming bagay tungkol sa iyong sarili,
walang anumang gagawin ang ibang tao na makapagpapasaya sa iyo. Kung kaya mahalagang simulan mo ito sa tunay na pagtanggap sa kung ano ang tunay mong pagkatao at sa pagpapasalamat sa lahat
ng biyaya ng Diyos sa iyo.