halimbawa ng sanaysay na bumubuo ng damdamin at saloobin sa kahalagahan ng akdang paglisan
Share
halimbawa ng sanaysay na bumubuo ng damdamin at saloobin sa kahalagahan ng akdang paglisan
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang buong mundo ay dumaan sa malakip na trahedya sa taon na ito at tila’y lahat tayo’y nabahala at nagtatanong sa ating mga sarili kung papaano natin ito malalagpasan. Itong pandemyang lumalaganap ay hindi natin pisikal na makikita kung kaya’t nagdulot ng pagkatakot sa bawat isa. Sa simula ng pag usbong ng pandemya sa mundo ay tila hindi pa ito sineryoso ng karamihan at isinawalang bahala na lamang dahil sa kaalamang hindi naman siguro ito makakaabot sa bansa natin. Ngayon, libu-libo na ang kaso sa ating bansa kung saan ang ibang karatig bayan ay unti unti nang bumubuti. Tunay ngang ang pandemyang ito ay nakakatakot sapagkat buhay ang nakataya rito ngunit mas nakakatakot isipin na ang ating pamahalaan ay walang tiyak na tulong na inilalatag para sa ating mga mamamayan. Nang nalaman kong kinaya ng ibang bansa na mapabuti ang kanilang kalagayan ay naibsan ang pagkabahalang aking nadarama ngunit binawi rin ito ng sunud-sunod na balita ng mga walang kabuluhang mga aksyon na ginawa ng ating gobyerno upang makatulong sa atin.Tulong na walang kabuluhan sa kumakalam ang tiyan sa bawat paglipas ng araw sa gitna ng pandemyang ito.Takot ang pangunahing reaksyon ng mga tao sa pandemyang ito ngunit takot nga ba sa nakamamatay na dulot nito o takot na mamamatay na lamang ang tao dahil sa mahinang pamamalakad ng ating gobyerno?