Halimbawa ng Yufemismo at katumbas nito na taboo.
Share
Halimbawa ng Yufemismo at katumbas nito na taboo.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Mga Halimbawa ng Paglumanay o Yufemismo at Taboo
Yufemismo o Paglumanay (Euphemism)
Ang yufemismo o paglumanay ay ang paggamit ng mga malumanay o magaan na salita sa halip na gamitin ang mga salitang maaaring hindi maganda sa pandinig ng tao. Halimbawa:
Kalapating mababa ang lipad (babaeng bayaran)
Nagtataingang kawali (bingi)
May bulsa sa balat (kuripot)
Sumakabilang buhay (namatay)
Tumatawag ang kalikasan (nadudumi)
Sumakabilang bahay (ang asawa ay naghanap ng iba)
Malusog (mataba)
Balingkinitan (mapayat)
Kasambahay (katulong)
Tabas ng mukha (itsura, maaaring p a n g it o maganda)
Halimbawa ng yufemismo sa Ingles: brainly.ph/question/2120840
Bawal o Taboo
Ang taboo ay nakabatay sa kultura ng tao, pangkat, o mamamayan. Ang mga sumusunod ay halimbawa nito at kung saan ito ipinagbabawal:
Alak - bawal sa relihiyong Islam
Karne ng baboy - bawal sa relihiyong Islam at Hudyo
Babaeng may regla - bawal pumasok sa templo ng ilang relihiyon sa India
Pagturo gamit ang sapatos o paa - bawal sa Thailand
Pagputol ng damo sa araw ng linggo - bawal sa Switzerland
Pagturo gamit ang chopstick - bawal sa Japan
D u g o o pagsalin ng d u g o (b l o-o d t r a n s f u-s i on) - bawal sa mga Saksi ni Jehovah (Jehovah's Witnesses)
Pagtanong ng edad ng babae - hangga't maaari ay hindi ginagawa sa bansang kanluranin
Sabihin ang pangalan ng panlupang hayop - bawal sa Tanzania
Nakasuot na sapatos sa loob ng bahay - bawal sa ibang kultura
Explanation:
Answer:
1.kalapating mababa ang lipad (babaeng bayaran)
2. tumatawag ang kalikasan(nadudumi)
3.may bulsa sa balat (kuripot)
4.sumakabilang buhay (namatay)
5. sumakabilang bahay (naghanap ng iba ang asawa)