Hanapin puzzle box ang mga terminong makikita sa word hunt na may kaugnayan sa paksa at bilugan ito.
Ibigay ang kahulugan nito bilang pagsagot sa pamprosesong tanong.
Pacheck po kung may di ako nakita wala kasing specific na number of words na hahanapin
Share
Answer:
wala naman tama lahat ang nakita mo ito ang mga kahulugan nyan
Gross National Product- ay ang halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo sa isang taon na sinuplay ng mga residente ng isang bansa. Ito ay ang paglalaan ng produksyon sa pag-aari at isinasaalang-alang din dito ang kwalitatibong kalakal at pagpapabuti sa ilang aspeto ng pang-serbisyo.
Migrasyon- ay ang paglipat ng paninirahan ng tao sa mula sa isang pook papunta sa ibang lugar. Ang migrasyon ay maaaring panandalian o pang-matagalan, pansamantala o permanente. Ang migrasyon ay nangyayari dahil sa iba't ibang mga dahilan.
Employment Rate- ay ipinahayag bilang ratio ng trabaho sa populasyon. Isa itong istatistikal na ratio na tinatantya ang porsyento ng populasyon sa edad na nagtatrabaho sa bansa (edad 15 hanggang 64) na nagtatrabaho.
One Child Policy- ay isang policy na nangangahulugang 1 lang dapat ang anak ng isang mag asawa, nagawa itong policy natoh dahil sa di makontrol na pagtaas ng populasyon ng bansa.
Literacy Rate- ay bahagdan ng tao sa isang partikular na bansa na may kakayahang bumasa at sumulat.
Life Expectancy- ay isang istatistikal na sukatan ng average na oras na inaasahang mabubuhay ang isang tao, batay sa taon ng kapanganakan nito, ang kasalukuyang edad at iba pang mga kadahilanan ng demograpiko kabilang ang kasarian.
Yamang Tao- ay tumutukoy sa bilang ng ng tao,o pangkat ng tao mayroon kakayahan na maghanap buhay upang mapaunlad ang sarili at ang lugar na kanyang kinabibilangan.
Yaman- ay mga materyal o di-materyal na bagay na sobrang pinapahalagahan ng isang tao.
Tao- ang naghahalal ng mga namumuno sa lipunan.