help me
1. Ano ang mahalagang bagay na maaaring matutuhan tungkol sa pamamahala mula sa mga Ehipto?
2. Maaaring maghawak ng mataas na posisyon sa goberyerno, magtayo ng negosyo, at magkaroon ng pag-aari ang mga babae sa kabihasnang Ehipto. Ano ang ipinahihiwatig nito?
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng halaga ng relihyon sa buhay ng mga Ehipto?
4. Alin sa sumusunod ang paniniwala ng mga Ehipto sa kamatayan?
Share
Verified answer
Answer:
1. Ipinakikita ng mga pangunahing kaharian ng Ehipto na mahalaga ang politikal na katatagan sa pagpapaunlad ng kultura at sining. Sa mga panahon ng malakas na sentralisadong pamamahala, nakapagpagawa sila ng mga gusali, templo, at mga serbisyong pampubliko ang Ehipto.
2. Bagama’t pinaniniwalaang patriarkal ang lipunan ng kabihasnang Ehipto, mas mataas ang antas ng pamumuhay ng mga babae sa Ehipto kaysa sa ibang mga kabihasnan. Mayroon silang mga karapatan at benepisyo na wala sa mga kababaihan sa ibang mga kabihasnan.
3. Maraming ebidensya na nagpapakita na mahalaga ang relihiyon sa buhay ng mga Ehipto. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: ang posisyon ng pharaoh bilang haring-diyos, ang mga pari na sunod sa pharaoh sa bahagdang social, at ang pagkabigo ni Amenhotep IV na palitan ang relihiyon ng mga Ehipto.
4. Naniniwala ang mga Ehipsyo na ang tao ay may dalawang katawan -- ang pisikal at espiritwal. Kapag maayos ang pagka-mummify sa katawan ng namatay, naniniwala sila na maaaring balikan ng espiritwal na katawan ang pisikal na katawan nito.