help me pls real answer
Sumuri ng isang tulang naglalarawan mula sa isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ihambing at ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa paraan ng paglalarawan mula sa tulang tinalakay.
PAGKAKATULAD
at
PAG-KAKAIBA ng
Pamana ng Nakaraan, Ragalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan
at
Ibang Tula mula sa bansa sa Timog-Silangang Asya
Share
Answer:
Ang tula na Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus ay isang tula na tradisyonal habang ang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan naman ni Pat Villafuerto tula ay lumaya mula sa tradisyonal na pagsulat ng tula. Parehas ang mga tula na nasusulat nang pasaknong. Ang tulang Ang Pagbabalik ay nagtataglay ng mga sukat at ito ay may labindalawang pantig kada linya may tugma at may malalalim na talinghaga. Matalinghaga rin naman ang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan. Ang mga tula ay pareho ring tulang pasalaysay. Mapapansin na ang mga ito ay nagsasalaysay ng buhay na nasa paraang patula kaya may kahabaan ang mga ito. Parehas na may mga tayutay ang mga tula. Simbolismo at realismo ang mga genre o teorya ng mga nasabing tula.
…
Para sa mga halaw mula sa mga nasabing tula, basahin pa ang mga sumusunod:
Narito ang ilang halaw mula sa KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan:
"NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan."
… "NGAYON, sapanahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon "
… "BUKAS, angkulturang itinudla ng nakaraan
at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan "
...
Narito naman ang ilang halaw mula sa Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus:
Bahagya ko nang sa noo ay nahagkan,
sa mata ko'y luha ang nangag-unahan,
isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan!...
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
nalulumbay ako't siya'y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas,
pasigaw ang sabing "Umuwi ka agad,"
ang sagot ko'y "Oo, hindi magluluwat...!"
Nakangiti ako, luha'y nalalaglag!
At ako'y nagtuloy, tinunton ang landas,
na kabyak ang puso't naiwan ang kabyak...
Lubog na ang Araw, kalat na ang dilim
at ang Buwan nama'y ibig nang magningning;
makaurasyon na noong aking datnin
ang pinagsadya kong malayong lupain;
k'wagong nasa kubo't mga ibong itim
ang nagsisalubong sa aking pagdating
Explanation:
Yan na Po