HELP ME PLS
MUSIKA
Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tono upang makabuo ng isang ideya.
A. NOTE
B. PITCH
C. MELODY
D. RYHTHM
2. Ang mga titik sa alpabeto na A,B,C,D,E,F,G, ay ginagamit sa musika bilang simbolo ng ________________.
A. G-CLEF
B. MUSIC SCALE
C. PITCH NAME
D. STAFF
3. Ang_____ ay kumakatawan sa bawat tono ng isang melody.
A. PITCH
B. MELODY
C. NOTE
D. REST
4. Ang mga titik na ito ang kumakatawan sa mga pitch name.
A. ABCDEFG
B. FACE
C. EGBDF
D. ROYGBIV
5. Ang mga titik na ito ay mga pitch name sa puwang.
A. ABCDEFG
B. FACE
C. EGBDF
D. BADE
SINING
6. Anong sangkap ng kulay ang tumutukoy sa kapusyawan at kadiliman nito?
A. value
B. hue
C. contrast
D. elements
7. Anong kaugalian ang dapat isaalang-alang kung nagpipinta ng watercolor?
A. Tapusin ang Gawain sa takdang oras.
B. Magpahiram ng gamit sa mga walang dala.
C. Linisin ang lugar ng pinaggawaan matapos ang magpinta.
D. Makipagkuwentuhan sa mga kamag-aral habang gumagawa.
8. Ang pagpahid ng watercolor na may kaunting tubig ay nakapagpapalabas ng anong uri ng kulay?
A. Matingkad na kulay
B. Mapusyaw na kulay
C. Madilim na kulay
D. Maliwanag na kulay
9. Paano nakatutulong ang pagguhit at pagpipinta sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pamayanang kultural?
A. Nagmumulat ito ng kamalayan tungkol sa mayayamang kultura nila.
B. Nagpapakita ito ng tamang estilo sa pagguhit.
C. Nakapaloob ditto ang lahat ng elemento ng sining.
D. Nagiging inspirasyon ito para magaya mo ang mga kaugalian nila.
10. ang pagpahid ng watercolor na may maraming tubig ay nakapagpapalabas ng anong uri ng kulay?
A. Matingkad na kulay
B. Mapusyaw na kulay
C. Madilim na kulay
D. Maliwanag na kulay
EDUKASYONG PANGKATAWAN
11.Anong kasanayan ang pagkilos ng may maliksing
Pamamaraan?
A. Agility
B. Coordination
C. Balance
D. Flexibility
12. Anong makukuha mo sa pakikilahok sa gawaing pisikal tulad ng liksi?
A. Nagpapalakas ng katawan.
B. Nakatutulong sa magandang pakikipag-kapwa.
C. Nagpapatatag ng katawan.
D. Lahat ng nabanggit.
13. Alin sa mga sumusunod ang dapat na ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawaing nangangailangan ng liksi?
A. Nagpapasya ng mabilis sa mga Gawain.
B. Mabagal na pagkilos sa mga kalaro.
C. Panoorin ang mga nagsasagawa ng laro.
D. Wala sa mga nabanggit.
14. Nakita mo na ang iyong kaklase ay matutumba at malapit ka sa kaniya. Ano ang gagawin mo gamit ang iyong liksi?
A. Magkunwaring hindi nakita.
B. Titingnan lamang.
C. Panoorin ang mga nagsasagawa ng laro.
D. Wala sa mga nabanggit.
15. Kapag nadapa ang iyong kalaban sa laro dahil sa sobrang liksi,alin sa mga sumusunod ang gagawin mo?
A. Pagtawanan siya
B. Magkukunwari na hindi nakita.
C. Tulungan siya
D. Isumbong sa guro
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN.
16. Ito ay ang pinakamaliit na mikrobyo na makikita lamang sa pamamagitan ng mikroskopyo.
A. Virus
B. Bacteria
C. Fungi
D. Bulate
17. Isang uri ng mikrobyo na tila halaman na mabilis dumami sa madilim at mamasa masang lugar.
A. Virus
B. Bacteria
C. Fungi
D. Bulate
18. Ito ay dahilan ng mikrobyong Hemophelus virus kaya may sakit na______
A. Dengue
B.Tuberculosis
C. Ubo
D. Trangkaso
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI elemento ng pagkalat ng nakahahawang sakit?
A. Susceptible host
B. Immune System
C. Mikrobyo
D. Kapaligiran
20. Alin sa mga sumusunod ang pinagmumulan ng Dengue?
A. Virus na dala ng lamok.
B. Ihi ng dagang sumama sa tubig.
C. Kontaminadong pagkain.
D. Bacteria na nagmumula sa bulate.
Share
Answer:
1.C
2.C
Explanation:
ico-comment ko na lang yung ibang sagot
Answer:
1. D
2. C
3. A
4. A
5. B
6. C
7 C
8 A
9 D
10 D
11 B
12 D
13 A
14 D
15 C
16 B
17 C
18 A
19 D
20 A
Explanation:
SANA MAKATULONG :)