HELP ME PLSSSS
Nonsense = Report
Not full = Report
Incorrect = Report
Doing it for points = Report
Correct = Brainliest
II. Basahin ang pabula sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tugkol dito
Si Alitaptap at si Paruparo
May isang Paruparo na pinaglaruan ng isang batang lalaki. Iniwan niya itong nakabaligtad at kakawag-kawag sa lupa.
Paruparo: Saklolo! Tulungan anda ako! (Dumaan si Langgam at narinig ang sigaw ni
Paruparo)
Langgam: Gusto kitang tulungan, ngunit nagmamadali ako. Maganda ang sikat ng araw at
maghahanap pa ako ng pagkain. (Umalis si Langgam at iniwan ang kaawaawang
Paruparo)
Paruparo: Saklolo! Maawa kayo sa akin. Tulungan ninyo ako. (Dumating si Gagamba. Lumapit
siya kay Paru-paro)
Gagamba: Gusto kitang tulungan ngunit pagagandahin ko pa ang aking bahay. Mangunguha
pa ako ng sapot. (At umalis si Gagamba)
Paruparo: O Bathala! Tulungan po ninyo ako. Didilim na at magsisitulog na ang kasama kong
kulisap. Wala nang sa akin ay makakakita. (Pagod at gutom na si Paruparo. Napaiyak siya. Nang pahiran niya ang kanyang luha ay may napansin siyang papalapit na pakislap-kislap na liwanag
Alitaptap: Naku, bakit ka nandiyan? Napaano ka at kawag ka nang kawag?
Paru-paro: Sa aking paghahanap ng nektar sa mga bulaklak ay hinuli ako ng isang batang lalaki. Pinaglaruan niya ako at iniwan niya akong nakabaligtad dito. Hindi ko kayang
tumindig na mag-isa upang lumipad. Maaari bang tulungan mo ako?
Alitaptap: Aba, oo. Sandali lang, tatawag ako ng makakatulong ko. (Ilan pang sandali ay
dumating ang maraming alitaptap).
Paruparo: Maraming salamat sa inyo. Kayo ang sagot ni Bathala sa aking dalangin. Kaybuti ng inyong kalooban…
Alitaptap: Walang anuman, kaibigang Paruparo. O sige, aalis na kami.
Paruparo: Aalis na rin ako. Pupunta na ako sa aking tahanang bulaklak. Salamat na muli.
Questions:
8. Ano ang aral na natutunan mo sa binasang teksto?
a. Huwag maging makasarili
b. Pumili ng kaibigan dapat ay iyong maaasahan
c. Huwag mag-atubiling tumulong kung may kakayahan.
d. Huwag paglaruan ang paru-paro.
9. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari.
I - Dumating ang iba pang alitaptap upang tulungan si Paru-paro
II - Nilagpasan ni Langgam si Paru-paro sapagkata maghahanap pa ito ng
pagkain.
III - Hindi rin natulungan ni Gagamba si Paru-paro dahil pagagandahin pa nito ang kanyang bahay.
IV - Iniwang nakabaliktad ang pinaglaruang Paru-paru.
V - Nagdasal si Paru-paro kay Bathala upang humingi ng tulong.
a. IV, I, III, V, II
b. IV, V, I, III, II
c. IV, III, II, I, V
d. IV, II, III, V, I
10. Paano mo ilalarawan sina Langgam at Tipaklong?
a. Si Langgam at Gagamba ay hindi totoong kaibigan sapagkat hindi nila tinulungan si Paru-paro
b. Sina Langgam at Gagamba ay masipag.
c. Sina Langgam at Gagamba abala sa kanilang buhay.
d. Sina Langgam at Tipaklong ay walang malasakit.
11. Paano mo ilalarawan ang katangian ng Alitaptap sa pabula?
a. mabuti ang kalooban
b. matulungin
c. marunong makisama
d. nakikibalita
Share
Answer:
Explanation:
8. B
9. D
10. A
11. A
Answer:
read mo lang yung pabula para maansweran mo yung questions.