help po help po help po help po help po help po help po help po help po help pohelp po help po help pnohelp po help po help po help pohelp po help po help po help pohelp po help po help po help po help po help po help po help po help po help pohelp po help po help po
Share
Answer:
PANANDANG ANAPORIK AT KATAPORIK
-Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol reperensiya. May dalawang uri ang pag-uugnay na ito. Ito ay ang anaphora o sulyap na pabalik at katapora o sulyap na pagsulong.
Ang anaporik o sulyap na pabalik ay ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita.
Halimbawa:
Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa ating magulang, lolo o lola ang ating mga buhay at kinabukasan. Sila ang kumalinga sa atin noong mga bata pa tayo. Suklian natin ang kabutihan nila sa atin.
Samantalang ang kataporik o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.
Halimbawa:
Sila ay aking iginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay na matatalino lalo na pagdating sa karanasan. Sa matatanda sa pamilya ko natutuhan ang maraming bagay. Sila ang mga lolo at lola ko na aking iniidolo.
Anapora o anaporik na panandang pangngalan
—kapag nasa unahan ang tinutukoy at nasa hulihan ang naglalarawan sa tinutukoy.
Halimbawa:
1. Masaya si Lito. Lagi siyang may kalaro at laging masaya.
2. Maganda si Maria. Marami siyang manliligaw.
3. Masipag at maalalahanin si Rita kaya marami ang nanghihinayang sa kanyang pagkawala.
4. Nandoon si Rico nang mangyari ang barilan. Siya ang “star witness” ng krimeng naganap kahapon.
5. Maraming salamat Aling Tina. Napakabuti mo talaga!
Katapora o kataporik na panandang pangngalan
–kung nasa hulihan ang tinutukoy at nasa unahan ang naglalarawan sa tinutukoy.
Halimbawa:
1. Ito ay puno ng mga halaman at mga magagandang bulaklak. Napakalaki ng gubat
2. Totoo bang namatay ang kanyang ina? Nakakaawa naman si Mia, napakabata pa niya’t nawalan na nang ina.
3. Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa amin. Napakabuti po ninyo Mang Ben at Aling Tina.
4. Minsan lang siyang nagsasalita. Ika nga ng iba, matinding trauma ang nararanasan ni Liza dahil sa aksidente.
5. Nakatanggap nanaman siya ng parangal. Napakagaling talaga ni Kris
Explanation:
sana nakatulong :)