HINDI PA HULI ANG LAHAT
Leonora E. Lavedores
Si Angelo ay isang mag-aaral sa ikapitong bait. Bata pa lamang siya ay kasma na niya ang kaniyang tagapangalaga dahil masyadong abala ang mga magulang niya sa kanilang trabaho at wala itong halos panahon sa kaniya. Dahil dito lumayo ang loob ni Angelo sa kaniyang mga magulang at nagkaroon siya ng barkada sa labas ng paaralan na palaging nasasangkot sa gulo sa kanilang pamamayanan.
Alam niyang hindi tamang sumama siya sa grupong ito ngunit ito sa palagay niya ang nagpapasaya sa kaniya at pumupuno sa ka kakulangan ng atensiyon ng mga magulang niya sa kaniya. Natuto na rin siyang manigarilyo at uminom. Pati pag-aaral ay unti-unti na niyang napababayaan kaya kinausap na siya ng kaniyang tagapayo. Dito ay nailabas niya ang lahat ng kaniyang hinanakit at ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Mainam na pinapakinggan si Angelo ng kaniyang tagapayo at dahan-dahang ipinaunawa sa kaniya ang mga posibleng magiging bungan ng kaniyang ginawa at pati na rin ang mararamdaman ng kaniyang mga magulang kung malalaman nila ito. Sinabi rin ng kaniyang tagapayo na dapat niyang pag-isipang maigi kung tagala bang may naidudulot na maganda sa kaniya ang sinasamahang barkada.
Pinang-isipang mabuti ni Angelo ang lahat na sinabi ng kaniyang tagapayo at kinabukasan bago paman nakaalis ang mga magulang papunta sa kanilang trabaho ay minabuti ni Angelo na makipag-usap dito. Halos hindi makapaniwala ang mga magulang niya sa narinig. Umiiyak ang mga ito habang panakikinggana ng anak lalong-lalo na ang kaniyang ina dahil hindi nila sukat akalain na dahil sa pagpupursige nila na maging maganda ang buhay ang pamilya ay napabayaan na pala nila ang nag-iisang anak. Niyakap nila ito at nangangakop ibabalanse na ang panahon sa trabaho at sa kaniya. Masayang-masaya si Angelo sa narinig at humingi rin siya ng tawad sa mga magulang sa mga maling nagawa. Napagpasyahan na rin niyang wasan na ang kaniyang mga kabarkada at nangangakop pagbibutihin muli ang pag-aaral.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang dahilan ni Angelo sa pagbabarkada? Naging maguti ba ang dulot nito sa kaniya? Ipaliwanag
2. Magkatugma ba ang Inisip at ginawa ni Angelo sa pagsama sa mga barkada? Ipaliwanag
3. Paano nakatutulong kay Angelo ang sinabi ng guro upang makapagpasya ng tama? Ipaliwanag
4. Bakit mahalagang isaalang-alang ang tamang gamit ng isip at kilos-loob sa paggawa ng pagpapasya?
Patulong namn po guyz pls
kailangang ko to ngayon po guyz
Share
Answer:
1.dahil sa kawalan ng Oras ng Nanyang mga magulang
3.napag isip isip ni Angelo na Mali o hindi makakabuti sakanya
4.dahil maraming pwedeng masaktan o mapahamak sa mga maling gawa o kilos o pasya,kaya isipin mabuti ang gagawin o pasya bago ito gawin
Explanation:
Sana po nakatulong aq pa Heart nmn po