Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad naghanda si Tuwaang at isinuot ang kaniyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar na Pinanggayungan. Ang sibat ay isang matulis na bakal o kahoy na gamit pandigma ng tribo noon. Ang kalasag ay ang panangga gamit ng mga mandirigma bilang proteksyon sa tama ng sibat o armas.
Mula sa "Si Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong na Langit"
1. Alin sa mga katangian ng epiko ang makikita sa binasa?
A. Pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan
B. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan
C. Paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal
D. Pakikipaglaban at kabayanihan ng pangunahing tauhan
2. Anong katangian ng tauhan ang mababakas sa bahaging naka-italiko sa binasa?
A. Pagiging maalalahanin
B. Pagiging manlalakbay
C. Pagiging matatakutin
D. Pagiging matapang
Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kaniyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
3. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang ipinakikita sa talata?
A. Pagiging maalalahanin
B. Pagiging manlalakbay
C. Pagiging matatakutin
D. Pagiging matapang
4. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar na Pinanggayungan. Ang sibat ay isang matulis na bakal o kahoy na gamit pandigma ng tribo noon. Ang kalasag ay ang panangga gamit ng mga mandirigma bilang proteksyon sa tama ng sibat o armas. Anong teknik sa pagpapalawak ng paksa o pangungusap ang ginamit sa pahayag?
A. pagsusuri
B. pagbibigay-kahulugan
C. paghahawig
D. eupemistikong pahayag
5. Ang magkapatid ay kapuwa ngumuya ng nganga. Anong teknik sa pagpapalawak ng paksa o pangungusap ang ginamit sa pahayag?
A. pagsusuri
B. pagbibigay-kahulugan
C. paghahawig
D. eupemistikong pahayag
Share
Answer:
1.B
2.A/D
3.D
4.C
5.B
Explanation:
I hope makatulong☺