“HONESTO”
May isang batang mabait ang pangalan niya ay si Honesto. Si Honesto ay mabait na bata, masunurin, matalino at siya ay matapat.
Isang araw may nakita siyang tumatakbong lalaki na nagnakaw. Ang sabi kay Honesto ''Huwag mong sabihin na nandito ako'', sabi naman ni Honesto ''sige po''. May lumapit na pulis kay Honesto. Ang sabi ng mga pulis, “May nakita ka bang lalaking tumatakbo? Ang sabi naman ni Honesto ''Wala Po'', at biglang lumaki ang ilong ni Honesto at namula. Sabi ng mga pulis , “Huwag kang magsinungaling. Kaya naman sinabi na ni Honesto ang totoo. ''Ayun Po'', at bumalik na sa normal ang ilong ni Honesto.
Sagutin ang mga tanong at ilagay sa isang hiwalay na papel
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ilarawan si Honesto.
3. Ano ang nakita ni Honesto?
4. Bakit sinabi ni Honesto ang totoo?
5. Anong mensahe o aral ang natutuhan mo sa kuwento?
Share
Answer:
1honesto
2isa syang mabait na bata
3tumatakbong lalaki
4wag daw kasi mag sinungaling Sabi Ng pulis
5wag mag sinungaling mag Sabi Ng totoo
1. Si Honesto
2. Si Honesto ay Isang mabait, masunurin, matalino at isang matapat na bata
3. Tumatakbong lalaki na magnanakaw na hinahabol ng mga pulis
4. Dahil biglang lumaki ang Ilong nya at sinabihan sya ng mga pulis na wag magsinungaling
5. Kailangan na maging tapat tayo sa lahat ng bagay, mapagawa, salita, o kahit ano pa man yan. mahalaga na lagi tayong maging tapat at magsabi ng totoo.