how to explain this in my report?
Pagbubukas ng Kalakalang Pandaigdig
Sinasabing isa sa mga naidulot ng La llustración ang paghina ng merkantilismo sa Europa. Sa merkantilismo, ang sukatan ng kapangyarihan ng isang bansa ay ang dami ng ginto at pilak na mayroon ito. Ito ang isa sa mga nagtutulak sa mga imperyo na paramihin ang kanilang mga kolonya na maaaring pagkunan ng ginto at pilak. Pinahina ito ng La llustración na nagbibigay halaga sa kalayaan at pagkapantay-pantay. Bagkus, nagbigay daan ito sa malawakang kalakalan, kung saan ang lahat ng kalahok ay makikinabang sa kayamanan.
Sa Pilipinas, mararamdaman ito sa unti-unting pagbuwag ng mga patakarang pang- ekonomiya na ipinatupad noong ika-18 na siglo. Pagdating ng ika-19 na siglo, hindi na naaayon ang mga patakaran na ipinatupad ilang dekada na ang nakalipas. Unti-unting nabuwag ang mga monopolyo at polisiya na nagpaangat sa ekonomiya. Gayumpaman, nanatili ang mga mabuting epekto nito at nagbigay-daan sa mas progresibong pagbabago sa ekonomiya at lipunan ng kolonya.
Setyembre 14, 1815 nang magtapos ang kalakalang galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Sa loob ng 250 taon, ito ang naging pangunahing negosyo ng mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas. Ang kabuuang 110 galyon nito ang naging pangunahing ugnayan ng saganang palitan ng kultura sa pagitan ng Pilipinas at Mexico.
Share
Answer:
Sa panahon ng La llustración, nagkaroon ng pagbabago sa pananaw sa ekonomiya ng mga bansa sa Europa. Hindi na tinitignan ang kapangyarihan ng isang bansa sa dami ng ginto at pilak na mayroon ito, kundi sa pagpapahalaga sa kalayaan at pagkapantay-pantay. Dahil dito, nagbukas ng malawakang kalakalan, kung saan lahat ng kalahok ay makikinabang sa kayamanan.
Sa Pilipinas, naramdaman din ang epekto ng pagbubukas na ito sa pagbuwag ng mga patakarang pang-ekonomiya noong ika-18 na siglo. Nabuwag ang mga monopolyo at polisiya na nagpaangat sa ekonomiya, na nagbigay-daan sa mas progresibong pagbabago sa ekonomiya at lipunan ng kolonya.
Noong Setyembre 14, 1815, natapos na ang kalakalang galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Ito ang naging pangunahing negosyo ng mga Espanyol na nakatira sa Pilipinas sa loob ng 250 taon. Sa pamamagitan ng kalakalang ito, nagkaroon ng saganang palitan ng kultura sa pagitan ng Pilipinas at Mexico.
Explanation:
basahin mo nalang lodz