I. Paghinuha sa damdamin o emosyon.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag, ano sa palagay mo ang naramdaman ng tauhan nang sinabi ito?
1. '' Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito. Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.''
Ano sa palagay mo ang nadarama ng tigre sa oras na iyon?____________________.
2. ''Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang ng loob? Bakit ang mga dahon at sanga naming ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain?''
Ano sa palagay mo ang nadarama ng puno ng pino sa oras na iyon?_________________.
3.'' Ginagamait nila ang aming mga balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay . Kaya huwag mona akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.''
Ano sa palagay mo ang nadarama ng baka sa oras na iyon?___________________.
4.'' Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.''
Ano sa palagay mo ang nadarama ng tao sa oras na iyon?____________________.
Share
0 Replies