I. Panuto: Basahin ang bawat talata. Isulat ang letra ng angkop na pamagat. _______ 1. Ang aking ina ay si Gng. Alecia F. Santiago. Siya ay isang guro. Isang uliran, mapagmahal na ina at bukas palad sa lahat ng nangangailangan. Hindi matatawaran ang dedikasyon at husay sa pagtuturo sa mga batang nasa pangangalaga niya. Siya ang aking ina na tunay kong idolo at ipinagmamalaki. * 1 point A. Ang Aking Ina B. Ang Katangian ng Aking Ina C. Idolo Kong Ina D. Ulirang Ina 2. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan. * 1 point A. Pinoy Tunay na Malikhain B. Pinoy sa Larangan ng Sining C. Talento ng PIlipino D. Likhang Pinoy 3.Sa paaralan natin natutuhan ang kaalaman at karunungan. Dito tayo hinuhubog ng ating mga guro na walang sawa sa pagtuturo. Dito rin natin nakikilala ang mga bagong kaibigan na matuturing din na kapatid kung minsan. Ang paaralan ay nagsisilbi nating pangalawang tahanan. * 1 point A. Ang Paaralan B.Ang Kaalaman C. Ang Karunungan D. Ang mga Kaibigan 4. Unang araw ng pasukan, masayang nagkukuwentuhan at nagkukumustahan ang mga mag-aaral. Habang nakaupo sila sa malaking punongkahoy, may napansin si Maricris sa may malaking ugat ng puno. Nilapitan niya ito at nakita niya ang isang daang piso na papel. Agad niya itong pinulot at patakbong pumunta sa kaniyang guro para ibigay ang napulot na pera. Agad naman nag-imbistiga si Bb. Carlos at natukoy naman ang may ari ng pera. Malaki ang pasasalamat kay Maricris ng may-ari. Binigyang papuri ng guro si Maricris dahil siya ay isang batang mapagkakatiwalaan na dapat pamarisan. * 1 point A. Ang Batang Masayahin B. Ang Batang Masunurin C. Ang Batang Dapat Pamarisan D. Ang Batang Mapagkatiwalaan 5. Sina Jenny at Bea ay matalik na magkaibigan. Mula pagkabata ay palagi na silang magkasama. Tahimik at mahiyain si Jenny. Masayahin at makulit naman si Bea. Kahit magkaiba ang kanilang pag-uugali ay nagkakasundo sila sa anomang bagay. 1 point A. Ang Magkaibigan B. Sina Jenny at Bea C. Ang Magkababata D. Ang Matalik na Magkaibigan 6. Halos 75% na ng papulasyon sa inyong siyudad ay nabakunahan na. Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan na hindi pa rin pahihintulutang lumabas ang mga senior citizens at mga batang edad 15 -18 . Ano ang iyong reaksyon o opinion tungkol sa isyu na ito? * 1 point A. Nararapat lamang na payagan nang lumabas ang mga senior citizens at mga batang edad 15-18 taong gulang. B. Nararapat lamang na sundin ang ipinag-uutos ng lokal na pamahalaan dahil sa ikabubuti ito ng mga mamamayan. C. Nararapat lamang na payagan nang lumabas ang mga senior citizens at mga batang 15 -18 taong gulang dahil matagal na silang hindi nakalalabas. D. Nararapat lamang na payagan nang lumabas ang mga senior citizens at mga batang 15 - 18 taong gulang upang makabawi na ang pamahalaan sa ekonomiya. 7. Maraming gulay ang nabubulok at hindi napakikinabangan ng mga magsasaka sa Benguet dahil sa hindi sila pinapayagan na magluwas nito sa Kamaynilaan dahil sa ipinatutupad na ECQ. Ano ang reaksiyon mo tungkol dito? 1 point A. Hayaang ibenta ng mga magsasaka ang gulay sa murang halaga. B. Hindi na muna pagtatanimin ng gulay ang mga magsasaka habang may pandemya. C. Payagan ang mga biyahero na bilhin ang mga gulay upang hindi malugi ang mga magsasaka. D. Payagan ang mga biyaherong nabakunahan na at walang sintomas ng virus na bilhin ang mga gulay. 8. Sadyang marami ng pagbabago ang nangyayari sa buong mundo hatid ng COVID-19. Ito na marahil ang pinakamakasaysayang naganap na kinahaharap ng sandaigdigan. Maraming buhay ang nasawi at halos lubog na ang ekonomiya ng bawat bansa. Sa kabila ng lahat, matibay pa rin ang bawat isa at patuloy na umaasa na malagpasan ang pagsubok na ito. Kapit-bisig laban sa COVID-a9 at sa tulong ng Poong Maykapal, may pag-asang matatanaw. * 1 point A. Pagbabago sa Bansa B. Ang Pinsala ng COVID-19 C. Pilipino Laban sa COVID-19 D. Pag-asa Laban sa COVID-19
pa sagot po please need kopo answer
Share
1. A
2. C
3. A
4. D
5. D
6. B
7. D
8. D
Salamat po :)