I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang "TSEK” kung ang pahayag ay nagpapakita ng pakikiisa o pakikilahok sa programa at "EKIS" naman kung hindi
1. Si Kulas ay mahilig sumali sa mga paligsahan sa kanilang lugar upang magkaroon ng bagong kakilala at mga kaibigan
2. Si Nico ay mahilig mamintas sa mga palabas at programa sa kanilang paaralan
3. Mahilig tumulong sa mga gawaing pampaaralan si Percival na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ang mga ito
4. Ipinagyayabang ni John ang pagiging kabahagi niya sa patimpalak sa pag-awit sa kanilang bayan
5. Maganda ang naging palabas ng Grade 5 kahit na hindi kumpleto ang teknolohiyang ginagamit nila
6. Si Franco ay laging pumupunta at sumasama sa ensayo nila para sa Boyscout Jamboree
7. Si Hana ay ayaw sumali sa grupo ng Girlscout sa kanilang paaralan
8. Ang magkaibigang Jorge at Manny ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang barangay
9. Ginalingan ni Peter ang pagsulat ng kaniyang story piece para ilathala sa school paper ng kanilang paaralan
10. Si Berto at ang kaniyang buong pamilya ay nakilahok sa Brigada Eskwela ng kanilang paaralan
Share
Verified answer
Answer:
1.check
2. ekis
3.check
4.ekis
5.check
6.check
7.ekis
8.check
9check
10.check